HIGH TECH NA TV PATROL AT BANDILA AARANGKADA TODAY!


KASABAY ng pagpapalit ng administrasyon ang pagpapakita ng modernong teknolohiya ng TV Patrol at Bandila. Kaya naman nagsanib puwersa ang dalawa para maihayag ang mga pinakasariwang balita na magaganap ngayong araw na ito.
Kasama ang pinakakapitaganang ABS-CBN news anchors at reporters, alamin ang pinakasariwang mga balita sa loob at labas ng bansa sa dalawang pinaka-pinagkakatiwalaang newscasts sa bansa sa tulong ng makabagong augmented reality at touch screen technologies na unang ginamit sa matagumpay na Halalan 2010 election coverage noong Mayo 10.
Mas bubulatlatin ng anchors na sina Ted Failon, Karen Davila, at Julius Babao sa bagong TV Patrol, ang mahahalagang isyu sa paghahatid ng mas maraming investigative reports, mas malalim na pagtalakay sa mga isyung politikal ni Lynda Jumilla, at panibagong segments tulad ng Sports Patrol.
Mas pag-iibayuhin din nito ang serbisyong publiko sa pamamagitan ng espesyal na mga public service segment sa programa at pagbuo ng isang public service center.
Isusulong ng ABS-CBN News ang public service sa bagong segment na Lingkod Kapamilya at balak nilang itaguyod ang isang public service center.
Maging ordinaryong manonood ay maari ring mag-ambag ng sariling ulat sa kakalunsad na Bayan Mo, iPatrol Mo na hindi lamang nananawagan ng atensiyon ng kinauukulan kung hindi naghahain din ng kongkretong solusyon sa suliranin.
Samantala, malaking pagbabago rin ang ihahatid ng late night newscast na Bandila kasama ang anchors na sina Henry Omaga Diaz at Ces Orena Drilon. Mas malalim na pagbusisi ang hatid ng programa sa mga paksa tulad ng consumerism na iuulat ni Alvin Elchico at malalim na talakayan tungkol sa politika na ihahatid ni Jumilla.
Kaya huwag palalampasin ang bagong TV Patrol at Bandila simula Miyerkoles (June 30) sa ABS-CBN.

MARICRIS NICASIO

By eklavumer Posted in balita

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s