VILMA SANTOS, KABADO SA OATH TAKING!


KINABAHAN si Governor Vilma Santos nang manumpa sa kanya ang asawang si Senador Ralph Recto sa ginawang oath-taking ng mga bagong halal na opisyales ng Batangas province.
Kaya naman may mga parteng namamali siya sa pagbabasa ng oath na inaalalayan naman ng kanyang asawa to the delight ng publikong sumaksi sa Batangas City Provincial Auditorium kahapon.
Double victory nga sina Sen. Ralph at Gov. Vilma nu’ng nakaraang eleksiyon, kaya overflowing ang kasiyahan ng mag-asawa.
“Yes, double victory at 3 years ko rin na-miss si Ralph! Kasi for 9 years ko sa Lipa, katu-katulong ko si Ralph. Itong last 3 years, hindi pinalad si Ralph kaya na-miss ko ang tulong niya. Sa projects, programs, financial and now that we’re together, double victory kami.  We’re partners again!” pahayag ni Gov. Vilma nang aming makausap after ng makasaysayang okasyon.
“Yes, definitely, I’m very happy. I am looking forward to fulfilling my obligations in the Senate!” tugon naman ni Sen. Ralph.
Ang sweet-sweet nilang tingnan sa stage habang sumusumpa si Senador sa Gobernadora niyang asawa, huh!
“Kinabahan ako kasi, usually, nag-o-oath-taking siya sa Chief Justice. Ito ngayon sa akin kaya heto, nanginginig ako,” katwiran ni Gov. Vilma.
“It was an option for me to take my oath before the Chief Justice or my wife. Hands down, naturally, my wife won! Ha! Ha! Ha!” sey naman ni Sen. Ralph sa pangyayari.
“Hindi kasi, at the end of the day, sabi ko, ‘Kanino ka manunumpa?’ Ha! Ha! Ha! Sabi niya, ‘Sa’yo!’ Ha! Ha! Ha! First time nangyari ‘yon. Very meaningful at nakita ninyo, medyo ninerbyos ako. But it was…Iba ang pakiramdam! Thank you, Ralph!” baling ni Gov.  sa asawa.
So, after ng nth honeymoon nila, back to work na silang mag-asawa, huh!
“Of course! I look it ba? Ha! Ha! Ha! Nakapahinga naman. Kasi ang pahinga ko lang naman, to unwind, is to be with my family. And to be normal again,” tugon ng gobernadora.
Eh, kumusta naman ang honeymoon?
“Great! How can you complain if you have honeymoon with Vilma? Ha! Ha! Ha!” sagot naman ni Senador.
“OA ito! Ha! Ha! Ha! Back to work na,” sambit naman ng asawa niya.
Sa interview na ‘yon, nagpasalamat din si Gov. Vilma sa MTRCB dahil sa best actress award na ibinigay sa kanya last week na hindi niya napuntahan. Gayundin ang Guillermo Mendoza Memorial Awards.
“Ino-offer ko ito sa mga Vilmanians at mga Pilipino na kahit ako ay public servant na at napunta sa third priority ang showbiz, pinapakita pa rin ang suporta at pagmamahal sa akin at sa industriya ng pelikula,” pahayag ni Gov. Vilma.
So, wala munang movies?
“Wala muna. Priority namin muna ito. Kailangang i-concrete ang mga proyekto. Pag medyo smooth na, then I can do one again. But as of now, work muna ang priority!” deklara ng politician-actress.
So, anong masasabi niya sa bagong administrasyon na uupo simula sa July 1?
“Let’s pray for the new administration. Let’s pray for our country and looking forward to a more positive Pilipinas para sa ating lahat. Let us all work as a team!” mariing sambit ng reelected Batangas Governor.
Pero sa oath-taking nila, simpleng-simple ang nangyari pati na kasuotan nilang mag-asawa, huh! Subalit elegante kaya bonggang-bongga!
“That’s the name of the game. Simplicity,” sagot ni Sen. Ralph.
“I guess, ang importante, ‘yung meaning ng oath-taking at ‘yung togetherness. That’s the most important. Hindi naman kailangan ‘yung sobra-sobra!” katwiran ni Gov. Vilma.
Sa okasyong pa rin na `yon, kumanta ang choir ng Batangas, ang VSR Dancers at special guest naman si Dulce na walang takot bumirit kahit umagang-umaga, huh! Present din sa audience sina Sandy Andolong at mother ni Christopher de Leon na si Lilia Dizon upang saksihan ang panunumpa ng anak na nahala nilang provincial board member. Nasa crowd din ang mag-asawang Tirso at Lyn Cruz pati na ilang members ng media.
After ng oath-taking ng mag-asawa pati na ng elected officials ng Batangas, isang masaganang tanghalian ang pinagsaluhan ng lahat.

JUN NARDO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s