BLIND ITEM : ‘KAPAG ANG SUWAPANG NAGING GANID’


NANGHIHINAYANG ang isang indie film producer dahil hindi natuloy ang project nila ng isang sikat na komedyana. Why?

Na-turn off kasi ang naturang produ nang itinaas ng komedyana ang kanyang talent fee ng 100% pagkatapos nilang nakapag-usap at nagkasundo sa isang reasonable amount ng TF, one month ago.

Sa totoo lang, marami na nga ang nagsasabi na masyado nang malaki ang ulo ni komedyana kaya hindi na siya nakakatawa. Dumating na nga sa point na tinanggal na niya ang kanyang manager para siya na raw personally ang makipag-negotiate sa mga would-be producers niya at siyempre, para ma-solo na rin daw niya ang kanyang TF.

Ngayon, nawalan ng isang magandang project ang komedyana dahil sa pagiging ganid niya sa kadatungan.

JOEY SARMIENTO

One comment on “BLIND ITEM : ‘KAPAG ANG SUWAPANG NAGING GANID’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s