‘BITIN AKO KAY RAFAEL ROSELL!’ – LARA MORENA


HINAYANG na hina­yang si Lara Morena sa naudlot na love scene nila ni Rafael Rosell para sa indie movie na prinodyus niya, ang Fling. Dapat kasi ay may love scene sila ni Rafael, pero dahil kinailangan na raw na mag-shoot ng panibagong movie ng binata, tinanggal na lang ang naturang eksena.
Papel ng isang runaway bride ang role ni Lara, at si Rafael ang lalaking dapat sana ay pakakasalan niya.
Anyway, napapamura nga si Lara sa panghihinayang sa naudlot na love scene nila ni Rafael, kaya madalas nitong biruin si Rafael na ituloy na lang nila ang love scene sa likod ng kamera.
Inamin ni Lara na type niya si Rafael. Bukod sa pagiging macho ay gentleman at professional pa ito.

Wala raw siyang naging problema sa aktor hanggang sa matapos ang shoo­ting nila.
Nagkataon lang daw na naka-schedule na rin ang next movie ni Rafael kaya hindi na nakunan ang love scene nila.
Anyway, natuwa naman si Lara dahil nalaman niyang pareho pala silang dalawa ni Rafael na nanghihinayang sa naudlot na love scene.
Ang bukambibig na lang ni Lara: “At least siya rin pala ay gusto akong matikman kahit sa pelikula lang.

Hahahahaha!”
Bagama’t nag-over budget si Lara sa pagpu-produce ng movie, hindi raw siya nanghihinayang, at katunayan ay proud na proud daw siya sa magandang resulta nito.
Dasal ni Lara na kumita ang movie nila ni Rafael, para mabawi raw niya ang ginastos niya.
Siyanga pala, isang malaking “NO” ang sagot sa amin ni Lara nu’ng biruin namin siyang baka ang perang pinang-produce niya ng movie ay galing sa kanyang benefactor.
“Matagal na akong walang boyfriend. Naku, istorbo lang ‘yan sa buhay at career. ‘Yung perang ginugol ko sa pagpu-produce, galing ‘yun sa mga naipon ko. Saka may negosyo naman ako sa province namin. Okey naman ang buhay ko ngayon,” sabi pa niya.

REY PUMALOY

2 comments on “‘BITIN AKO KAY RAFAEL ROSELL!’ – LARA MORENA

  1. korel pera ni mama Lara ang kanyang ginamit dun at tlgang bonggang si mama lora. lahat ng kinakain namin ay sagot nya…kaya sa mga detractor nya, inggit lang kayo!!!!!!mabaiut na tao si ms. lara morena

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s