ALJUR ABRENICA : ‘GOODBYE , KRIS BERNAL!’


MAGKASUNOD ang magkahiwalay na presscon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal noong Martes pero hindi ito sinadya. Na-postpone noon ang album launch ni Aljur dahil nagkasakit at nawalan ito ng boses.
Nang matuloy ang album launch, hirap na hirap sa pagsasalita si Aljur dahil sa kanyang throat infection.

Right after the presscon, tumuloy si Aljur sa doktor niya para ipa-check up ang kanyang lalamunan.
Bukod sa album niya, ang paghihiwalay ng loveteam nila ni Kris ang itinanong kay Aljur na nagpahayag ng lungkot . Ang The Last Prince ang huling team-up nina Kris at Aljur dahil sa desisyon ng GMA 7 na pagpahingahin muna ang ka­nilang tandem.
“Personally, nalulungkot din ako sa nangyayari. Hindi namin ine-expect na ganito. Maganda naman ang flow ng pag-uusap namin ni Kris, to the point na tanggap namin sa isa’t-isa na maghihiwalay kami,” ang pahayag ni Aljur.
Umaasa si Aljur na maiintindihan ng supporters nila ni Kris ang pasya ng GMA management na pagpahingahin ang kanilang loveteam.
“Iba’t-iba ang pana­naw ng mga tao. Nirerespeto ko po kung ano ang gusto nila pero sasabihin ko sa kanila na hindi namin ginusto ni Kris na magkahiwalay. Ang nangyari, ang network na mismo ang nagdesis­yon para paghiwala­yin kami. Sana maintindihan ng fans.

Hindi namin pababayaan…andoon pa rin ‘yung Aljur-Kris. Hindi mawawala.”
Lungkot ang naram­daman nina Marian Rivera at Dingdong Dantes noong magtatapos ang Dyesebel, pero nang magwakas ito, saka nag-umpisa ang relasyon nila. Ganito rin kaya ang mangyari kina Aljur at Kris?
“Bakit po hindi? Possible din na ma­ging kami. Baka ganoon din ang mangyari pero sa ngayon, parang magka­patid lang ang turing namin sa isa’t-isa,” ang sagot ni Aljur.
Sa interbyu namin kay Kris, nagpa­kita ito ng pag-aalala dahil wala pa siyang nariri­nig na project na ibibi­gay sa kanya ng GMA 7, pagkatapos ng The Last Prince samantalang nasa planning stage na ang TV series na pagsasamahan nina Aljur at Rhian Ramos.
Sinabi ni Aljur na walang dapat ipag-alala si Kris dahil buong-buo ang kanyang suporta.
“Basta ako, nandiyan ako para sa kanya. Nandiyan ang support ko na ibibigay ko hanggang makakaya ko dahil si Kris, isa sa mga maha­halagang babae sa buhay ko. Parte na siya ng buhay ko na hindi makakalimutan.”
***
Nanlaki ang mga mata at napa-wow si Aljur nang hingin namin ang kanyang reaksyon sa balita na may relasyon na sila ni Bianca King dahil nagpunta siya sa red carper premiere ng Working Girls bilang suporta sa co-star niya sa The Last Prince.
“Wow! Talaga? Nakakagulat naman. Sana…. hindi biro lang. Hindi ko alam kasi kami naman ni Bianca, hindi mas­yadong nagkakausap pero nag-uusap kami pero hindi ‘yung usap na masinsinan. Wala kaming masyadong ugnayan ni Bianca.
“Magkasama kami sa The Last Prince, ayos ‘yung relationship namin. Hindi ko alam kung bakit may ganoong balita. Ako rin nagulat. Nga­yon ko lang nalaman,” ang mahabang paliwanag ni Aljur.
“Ako mismo ang nagsabi sa kanya na susuportahan ko ‘yung Working Girls dahil kasama siya doon.

Ayun, nakapag-text text kami ng “Nasaan ka na”. Doon sa premiere night. ‘Yun lang ang ugnayan namin.”
Malaki ba ang tsansa na magkaroon sila ni Bianca ng relasyon?
“Hindi ko masasabi. Depende ‘yan. Single naman ako. Alam ko, single naman siya,” ang bitin pero makahulugan na sagot ni Aljur.
***
Potential hit ang Sayang Sayang, ang carrier single ng self-titled album ni Aljur Abrenica sa Sony Music Records. Tagalog adaptation ng isang sikat na Malaysian song ang Sayang Sayang at ito rin ang personal favorite ni Aljur dahil sa magandang melody ng kanta.
Ang pagkakaroon ng sariling album ang katuparan ng pangarap ni Aljur na maging singer at tiyak na matutuwa siya dahil posi­tive ang mga feedback sa limang kanta sa kanyang CD lite album.
Ang album ang pruweba na may karapatan si Aljur na kumanta dahil nang pakinggan namin ito, boses ng isang professional singer ang aming narinig.

JOJO GABINETE

One comment on “ALJUR ABRENICA : ‘GOODBYE , KRIS BERNAL!’

  1. ALAM KO ANG DAHILAN (from a reliable insider in Kapuso Network):

    hindi kasi matapatan nina AlKris ang tambalang KimErald. Okay sana kung Aljur vs. Gerald, talagang may sabong. Pero si Kris vs Kim, doon nagkakatalo. Aminin natin o hindi, mas maraming fans si Petchay este si Kim.

    Naghahanap ang GMA 7 na ipantatapat kay Kim Chiu!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s