ANG HIWAGA SA BIGLANG PAGLOBO NG BOOBS NI RUFFA GUTIERREZ, PINAG-DIDISKITAHAN NG MGA TSISMOSA!


PLANO ni Ruffa Gutierrez na kumunsulta muna sa isang child psychologist bago niya sabihin sa dalawa niyang anak na sina Ve­nice at Lorin ang tungkol sa muling pagpapa­kasal ng kanilang ama na si Yilmaz Bektas.
Gusto raw malaman ni Ruffa ang tamang approach kung papano dapat sabihin sa kan­yang mga anak ang tungkol sa bagay na `yon, o kapag natuloy na nga ang diumano ay pagpapakasal ni Yilmaz sa former Miss Universe na si Zuleyka Rivera ng Puerto Rico sa June.
Gusto raw niyang maging maingat sa pagsasabi sa kanyang mga anak ng tungkol doon.
Pero sa ngayon,hindi pa raw kailangan ni Ruffa na kumunsulta sa isang professional dahil wala pa naman daw kumpirmasyon ang tungkol sa kuwento ng plano na pagpapakasal ni Yilmaz kay Zuleyka.
Hanggang ngayon daw kasi ay tumatanggi pa rin si Yilmaz na pag-usapan ang tungkol doon. Ang pambara raw nito sa kanya kapag nagtatanong siya ay ‘yung hindi raw ito nagtatanong ng mga personal tungkol sa kanyang buhay.
Anyway, wala pang mai-comment si Ruffa sa kung ano ang mararamdaman niya kapag natuloy ang kasal ni Yilmaz kay Zuleyka, dahil wala pa raw siya sa ganung sitwasyon.  Pero, tatanggapin daw niya kung ano man ang gagawin ni Yilmaz, lalo na at matagal na rin silang hiwalay.
Wish lang daw niya ay ma­ging masaya na ang kanyang ex-husband.
Naisulat nga namin kamakailan na kinuwento ni Ruffa na nililigaw-ligawan siya ulit ni Yilmaz. At prangkahan ngang sinabi ni Ruffa na ayaw niyang seryosohin ang panliligaw na `yon ni Yilmaz, dahil wala raw sa plano niya nga­yon ang makipagbalikan sa dating mister.
Samantala, naloloka naman si Ruffa sa mga nagdududa sa paglaki ng kanyang boobs ngayon. Sa katatapos lang na Star Awards kama­kailan, naging takaw-pansin kasi ang pagluwa ng dibdib niya sa suot niyang gown.
Esplika ni Ruffa, masikip lang sa kanya ang suot niyang gown kaya naipit nang husto ang kanyang boobs. Kung ipinilit daw na pagdugtungin ang zipper sa likod nito baka lumabas na raw nang tuluyan ang kanyang dibdib.

REY PUMALOY

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s