MARIAN RIVERA, BINUKELYA-ELYA NG CHIMINI-AH-AH NA HEV NA RAW NG JUNAKIS!


OLA CHIKKA! NAGULANTANG ang buong Pilipinas nang may tumawag sa aking programa sa DZRH noong Linggo at nagsalita tungkol sa isyu rito sa pagtatago ng anak ni Marian Rivera.

Si Rona, isang 23-year old na mula pang probinsiya at lumuwas dito sa Manila upang magtrabaho bilang kasambahay ni Marian ay tumawag sa aking programa at humihingi ng tulong dahil gusto nang umalis sa poder ni Marian.

Dahil sa bukas ang aking programa para sa lahat ay naka-on the air siya at doon niya sinabi ang lahat ng sama ng loob sa amo.

Si Rona at ang isa pa niyang kasamahan na si Inday ay nakatira sa isang apartment sa Project 8, QC, kung saan ay doon daw nakatira ang anak ni Marian na dalawang taong gulang na, na nagngangalang Vincent. Hindi lang daw ginagawang taguan ng kanyang anak itong apartment, kundi ginagawa rin daw nila itong parausan ng boyfriend na si Dindong Dantes.

Naku, huh! Ang taray! Instant apartment! ‘Di lang ampunan, kundi motel pa! Tsk, tsk, tsk! At hindi lang iyon dahil talagang napakasama raw talaga ng ugali nitong si Marian dahil pati panis na kanin ay ipinauubos sa kanila.

Dahil sa lagi ko namang nakaka-text itong si Dingdong ay sinubukan kong kunin ang kanyang panig. Ayon sa kanya, anumang isyu tungkol sa kanya ay puwede ko siyang tawagan, kaya naman ginawa ko.

Unang tawag ko ay nasa taping daw siya kaya hindi muna siya puwedeng mag-on the air. Ngunit sa muli kong pagtawag, nakapatay na ang kanyang cellphone. Nang tawagan ko naman ang kanyang manager, sinabi lamang nito na wala raw sila sa lugar upang magsalita tungkol sa isyu ni Marian.

Ngunit parang hindi naman ako naniniwala dahil wala naman sa katawan ni Marian ang pagkakaroon ng anak at kung totoo man ito ay bakit ngayon lang lumabas ang isyu? Hindi kaya paninira na naman ito kay Marian? Kung paninira nga ito, sorry dahil sira na siya dahil wah na siya masyadong career! Ha-ha!

TITA SWARDING

4 comments on “MARIAN RIVERA, BINUKELYA-ELYA NG CHIMINI-AH-AH NA HEV NA RAW NG JUNAKIS!

  1. NORMAL lang naman na magkaanak ang babae so be proud of it Marian. Kakasawa na kasi yung mga artista na super deny na wala anak pero kalaunan ay aamin din. Example, Aubrey Miles, Sherin Regis (correct my spelling) yung singer sa ch 2. Kaya kung may anak eh anong paki.

  2. sabi nga ni Mpule Kwelagobe, Miss Universe 1999 at ang lumampaso kay Miriam Quiambao: “Having a child is a symbol of femininity. Be proud!”

  3. Natural lang naman na magkaanak ang babae. Kaya nga babae eh. Mas malupet yung mga nagkukunwaring babae pero wala namang matres. haha!

  4. to kazandro and benj korek kayong dalawa aba kung ako si Marian dapat lang na proud ako na may anak at least lalabas yun na magagandang bata. Kaya tama na ang pag-batikos……

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s