KUMUSTA NAMAN ANG TIMING? ‘BATTERED’ MAID DIUMANO NI KORINA SANCHEZ-ROXAS, LUMANTAD!


MATAPOS magtago ng siyam na taon, lumantad muli ang dating katulong ng brodkaster na si Korina Sanchez-Roxas upang ibulgar ang itinatagong baho ng huli kabilang na ang pagiging two-timer umano.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City kahapon, luhaang ikunuwento ni Bernardita “Edith” Inocencio, 51 anyos, ang mga kalupitang dinanas umano niya sa kamay ng brodkaster at ngayo’y kabiyak ni Sen. Mar Roxas na si Korina Sanchez.

Tinukoy din ni Inocencio ang dating ka-live-in ni Sanchez na isang Pol Aquino, na umano’y nanakit rin sa kanya. Aniya, nadamay lang siya sa gulo ni Korina at ng mga dati niyang kasintahan.

Bukod daw kay Aquino,  na kasama ng brodkaster mula Lunes hanggang Biyernes, maroon pa raw isang kasintahan noon si Korina na nagngangalang Frederick Jimenez.

“Dumarating sa Emerald Mansion sa Pasig si Frederick tuwing kinsenas at katapusan ng buwan. Minsan, inabutan ni Pol na gusot gusot ang kama at nakakalat ang underwear ni Korina. May mga pares ng baso at kinainan at may towel pa na inamoy niya,” kuwento ni Inocencio.

Hindi umano niya inamin kay Aquino ang tungkol kay Jimenez hanggang siya ay lumayas.

“Kahit patayin po nila ako noon, hindi po ako aamin,” dagdag ng biktima.

Kasama ang kaniyang abogado na si Junel Anthony D. Ama, masusing pag-aaralan kung anong kaso ang maaring isampa laban sa brodkaster lalo’t may mga ‚indikasyon’ umano  na  ipinaliligpit” ang dating katulong.

Minsan na raw sinaksak si Inocencio sabay ipinakita sa mga mamamahayag ang  sugat sa kanyang likuran.

Nilinaw ni Atty. Ama na walang intensiyong politikal ang pagbubunyag ni Inocencio. Naawa lamang daw siya sa naging kalagayan ng biktima.

Napilitan lang daw siyang lumantad dahil mayroong warrant of arrest kaugnay ng kasong isinampa sa kanya ng brodkaster.

“Pagkatapos akong saktan at pagbantaan ni Korina at kanyang dating boyfriend, noong Disyembre 21, 2001, sa kanilang Bel-Air apartment sa Makati City, ako ay kanyang tinakot at pinagbantaan nang masama. Nagtago ako ng mahigit 9 taon sa Cebu. Kamakailan nakatangap ako ng balita na may mga taong naghahanap sa akin para i-serve ang warrant of arrest na nag-ugat daw sa kasong isinampa sa akin ni Korina,” ani Inocencio.

HATAW NEWS

10 comments on “KUMUSTA NAMAN ANG TIMING? ‘BATTERED’ MAID DIUMANO NI KORINA SANCHEZ-ROXAS, LUMANTAD!

  1. naniniwala ako sa balitang ito. ever since napaplastikan na ako kay Korina… pero I still like Mar Roxas. Nalulungkot lang ako dahil tira-tira na lang si Mar dahil kung sino-sino na ang lumapangga sa babaeng iyan.

  2. Yung friend ko neighbor din nya dati sa Crisanta Tower at yung kapatid naman ng dating labor leader na Olalia. Nuon pa man ay kinukwento na nya sa amin na may ka live-in si Korina na lawyer na kapatid ni Olalia. Kawawa naman si Mar pang ilan na kaya sya pero di ba si mar din daw ang iba ang preference

  3. galing naman ni mam korina…well-experienced compared sa esposo nya hahaha!!!! maasim ka pala mam a…nakakatakot ka maging future first lady hehehe dahil dyan…nag -iisip na ko na di iboto si mar roxas or if nanalo hwag gawin presidente sa 2016 unless humiwalay sya sa di nakanti na abosadong broadkaster na asawa hehehe….mar di yata asset ang naasawa mo na napag sawaan na ng others…

  4. It only shows that Korina is a normal person, ibig sabihin nagmahal, may ka nakalive-n, nagagalit sa katulong, well common people, sino ba ang napakalinis na tao. I admire Korina as a broadcaster at wala akong pakialam sa personal na buhay niya. Kanya kanyang buhay lang yan.

  5. people can only make putak pag merong pinagpuputakan.

    ang tanong, ano kaya yung pinagpuputakan ng nag re reklamo?

    dapat noon pa siya nag reklamo at di ngayon, diba? halata naman kung sino ang nagpalabas niyan…. check!

  6. simple lang naman di ba . . . sabi nya kaya sya lumabas dahil may warrant of arrest sya na galing sa counter demanda ni Korina noon at syempre ang counter demanda ni Korina ay nagnakaw dahil nga nagpuputak yung katulong ng sinaktan sya ni Korina at nagpuputak na ka live in nya si Paul Aquino na uncle ni Noynoy.

    Reading comprehension naman . . . “Napilitan lang daw siyang lumantad dahil mayroong warrant of arrest kaugnay ng kasong isinampa sa kanya ng brodkaster.

  7. malilibog to the max talaga ang mga babaeng may letter “k” sa kanilang pangalan. example:

    kris aquino
    korina sanchez
    marikar reyes

    tama ba ako mama ekla?

  8. the most terrifying things is to accept oneself completely. to hell the lot of those who are talking against korina, sana matanggap ninyo sa inyong mga sari sarili na kayo man din ay hindi rin malilinis at walang bahid na kapintasan sa inyong mga pagkatao. kung hindi nating trabaho ang humatol at di naman tayo lisensyiadong komentarista ay huwag na tayong mamuna ng kapwa,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s