DINGDONG DANTES : BUTT-EXPOSURE NAMAN ANG GIMIK!


Sa first presscon kagabi ng You to Me Are Evetything movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes malalaman kung May 4 pa rin ang playdate ng nasabing pelikula na co-produced ng Regal Entertainment at GMA Films.

Sina Mother Lily Monteverde at Annette Gozon-Abrogar lang ang makakapag-decide kung ililipat nila sa May 5 ang showing ng pelikula.

Samantala, may gimik ang pelikula na ikatutuwa ng fans nina Marian at Dingdong, lalo na ng fans ng aktor.

May eksenang makikita ang maputing puwet ni Dingdong at kung paano nangyari ito, malalaman ’pag pinanood ninyo ang You to Me Are Everything.

Paano kaya napapayag ni Direk Mark Reyes na magpakita ng puwet si Dingdong?

Nag-storycon na rin ang Endless Love: Autumn In My Heart, balik-tambalan sa TV nina Marian at Dingdong at bago sila umalis for the States and Canada, magti-taping sila ng good for two weeks na airing.

Kasama nila rito sina Dennis Trillo, Nadine Samonte, Gabby Eigenmann, Sandy Andolong at Gina Alajar.

Pati raw si Christopher de Leon papasok after the elections.

NITZ MIRALLES

One comment on “DINGDONG DANTES : BUTT-EXPOSURE NAMAN ANG GIMIK!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s