‘JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO IS TWO MONTHS PREGGY!’ – ALFIE LORENZO


SIGURADONG tinutukan ng buong Pilipinas, kasama na ang mga Pinoy sa iba’t ibang panig ng mundo, ang inanunsiyo ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga. Maaga pa lang ay nagsabi na si Joey de Leon na may ia-announce si Ryan bago ang portion na Bababoom.

Pero, pagpasok ni Ryan sa portion na `yon, in-announce niya na after ng lang ng segment siya magsasalita. Eh, after ng segment, parang deadma pa si Ryan, at doon na nga pumasok ang mga Dabarkads niya, at pinilit siyang magsalita.
Eh, parang hirap pa kunyari si Ryan na magsalita. At sinimulan niya ang kuwento na kesyo kaninang umaga ay naghiwalay raw sila ni Juday, na galing sila sa hospital, at naghiwalay sila, dahil si Juday ay dumiretso sa bahay nila, at siya naman ay nagpunta sa Eat Bulaga.
At tinawagan na nga si Juday para tulungan si Ryan na mag-announce.
“’Yun na nga, na-bulls-eye na! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi ni Juday.
“Yes, na-bulls-eye na! Gumagana si Manoy!” natatawa ring sundot ni Ryan.
Bale 2 months at 4 days (5 days na today) ang baby sa sinapupunan ni Juday.
“Hindi ako makapaniwala na may baby sa katawan ko. Tao pala ako. Ang akala ko, robot ako! Ha! Ha! Ha! Ha!” hirit pa rin ni Juday.
Humingi rin ng paumanhin si Ryan sa mga nag-attempt na mainterbyu siya kamakailan tungkol sa pagbubuntis ni Juday. Umiwas nga si Ryan sa mga reporters, dahil katuwiran niya, gusto muna niyang siguraduhin ang lahat. Kaya hayun, dala-dala niya ang unang picture ng baby nila sa sinapupunan ni Juday.
Siyempre, hindi pa sigurado ang mag-asawa kung babae o lalaki ang ipinagbubuntis ni Juday. Pero para sa kanila, kahit ano ay okey sa kanila, basta healthy ang bata.
“Ang importante, magiging ate na si Yohan!” say ni Ryan.
Sinabi rin ni Juday na wala namang ipi­nagbabawal sa kanya ang doctor. Pero, dapat daw siyang magbawas ng trabaho, at huwag masyadong pagurin ang sarili.
“Pero, tatapusin ko pa rin kung ano man ang mga commitment ko,” say ni Juday.
Nakatakda ngang umalis sa susunod na buwan sina Juday at Ryan para sa kanilang second honeymoon, at bakasyon na rin, at kasabay nga ang anniversary ng kasal nila, at birthday na rin ni Juday.
“Tuloy pa rin po `yon. Magbabakasyon pa rin kami!” giit ni Juday.
Kitang-kita nga sa mukha ni Ryan ang matinding kaligayahan. Para nga itong mangiyak-ngiyak habang nina­namnam ang moment na `yon na sinasabi nila sa buong Pilipinas na buntis na si Juday.
“Baka ma-late ako sa paggising bukas dahil lasing ako ngayong gabi. Magpapakalasing ako sa sobrang kaligayahan!” pabirong sabi pa ni Ryan.
Naku, ano pa ba ang masasabi ko, eh ‘di, heto nga, lolo na talaga ako! Abangan niyo ang mga susunod na kuwento ko tungkol sa pagbubuntis ni Juday!

ALFIE LORENZO

By eklavumer Posted in kolum

One comment on “‘JUDY ANN SANTOS-AGONCILLO IS TWO MONTHS PREGGY!’ – ALFIE LORENZO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s