SHAINA MAGDAYAO : GOODBYE PATWEETUMS, HELLO PA-SEXY!


HINDI MALAYONG SUNDAN na ni Shaina Magdayao ang career path ni Angelica Panganiban sa pagpapaseksi! Yehey!

Lumilinaw na ang bulung-bulungang ito nang aminin ng nakababatang kapatid ni Vina Morales sa isang casual interview na hindi na siya bata at kailangan na siyang mag-move on as an actress. Naniniwala rin siya na hindi siya maggo-grow as an actress, kung mananatili siya sa image niyang animo’y bata pa, pero katawang dalaga na.

Nangingiti na rin siya kapag pinapansin ang makinis at mahaba niyang legs (lalo’t mini skirt ang suot). Agaw-pansin din ang cleavage niya, dahil hindi maitago ang angkin niyang kayamanan na angkop sa kasabihang “she’s carrying most of her cargo on the upper deck,” or something to that effect.

Una na naming sinilip ang umbok na iyon nang gawin ni Shaina ang seryeng Dragona for TV. Akala nga namin, masusundan na ito, lalo’t pinagpiyestahan ang kanyang pictorials for Dragona sa covers ng movie magazines at tabloids. I guess, hindi pa handa ang dalagita pang dating child actress nang mga panahong iyon.

“Hindi pa nga po, Tita,” aniya sa amin nang sabihin ko sa kanyang sayang naman kung basta itatago lang ang katangian niyang iyan. Ang dami diyan na kailangan pang magpa-enhance para lamang magkaroon ng magandang dibdib, samantalang sa kanya ay nagmumura, lalo’t nakaliyad pa.

Namula bigla si Shaina sa puna kong iyon. Kaya’t pansamantala kong itinigil ang pambubuska. Natiyak kong hindi pa nga handa ang original “Drama Princess” ng Kapamilya network.

But not anymore. Habang nagte-taping siya ng Rubi, lalong lumalakas ang loob niya na ituloy-tuloy ang kanyang binabalak. May basbas na rin siya sa kanyang Ate Vina na nagsasabing, sinusuportahan niya ang ano mang desisyon ng dating itinuturing niyang “baby sister” lang. Sa totoo nga naman, mas sexy pa si Shaina kaysa ate niya ngayon.

Sa katatapos na ASAP noong Linggo, maraming mata ang nakatitig kay Shaina habang nagsasayaw, kasama si Angelica. Hindi na nga paawat ang reluctant sexy actress.

Probably, it can be told na isa sa mga dahilan ng break-up nila ni John Prats ay ang career move na gagawin ni Shaina.

“I want to decide on my own,” confide niya sa isang very reliable source. Mahirap kasi na may karelasyon kapag ginawa ko na ito. Kailangang buo ang loob ko, wala akong inaalalang masasaktan. Kahit sabihin pang mauunawaan naman niya ako, hindi pa rin maiaalis na magseselos o masasaktan siya. I have priorities now at iyan ay ang career ko. Kailan pa ba akong magdedesisyon kundi ngayon. While I am still young, ‘di po ba?”

Korek ka d’yan, Shaina. Bilang isang artista, mahirap ang may limitasyon. Tingnan mo nga ang dati mong BFF (bestfriend forever) na si Bea Alonzo, namamayagpag na. Ganu’n din si Katorse, este, si Erich Gonzales pala. Kahit pina-plaster-plasteran ang dibdib para magka-umbok, eh, sikat na sikat na. What more si Shaina na orig na orig ang lahat ng body parts. Dapat, go, go, go ka na, girl!

CHIT RAMOS

2 comments on “SHAINA MAGDAYAO : GOODBYE PATWEETUMS, HELLO PA-SEXY!

  1. i really love this girl, produkto yan ng good breading and good training, pero sana wag na munang mag madali ang kadugo kong ito na cebuana kc pwede namang sumikat o manatili sa showbiz kahit fingernails lang ang ipakita mo basta ba katumbas ng ilog pag luluha siya. just be aware girl and be careful narin sa mga moves mo. gud lak sa carreer move mo……kudos…..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s