MAG-INGAT SA MGA BAKLANG MAITIM ANG BUDHI!


GOSH, this is the decade of corruptions! Kabi-kabila na ang mga raket sa pulitika. Eh bakit naman maiiba pa ang showbiz na mas madaling pasukin ng mga manlilinlang at manggagantso?
Ilan na ba ang mga nahuli sa mga probinsya na diumano eh mga talent scout ng GMA 7 at ABS-CBN na kinukuwartahan ang mga gustong mag-artista at umunlad ang buhay?
Hangga’t may nagbabaka-sakali, magpapa­tuloy ang panlilinlang na ganyan. Sabi nga, kung walang magpapaloko eh walang manloloko!
Naglipana ang beauty contests, beauty pageants, male models search na palagi naman ay mga biktima lang ng mga uhaw sa laman.
Naloka ako dito sa nabalitaan kong male model search sa isang bar na ang first prize ay P10,000 lang!
Siguro naman, sa liit ng premyo na ‘yan ay maibibigay naman sa winner, ‘noh?!
Unlike doon sa raket ng isang baklang tumanda na sa pagtatago sa mga niloko niya pero may kumakagat pa rin sa mga pakulo niya at search kuno sa mga baklang nagmu-mujer na umano eh ipapadala abroad para mag-show eh ni isa, walang natupad sa mga pangakong ‘yan na napako since 1980 pa.
Matagal nagtago ang baklang ‘yan sa Bikol at Iloilo, ewan kung paano siyang nakabalik ng Maynila.
Baka patay na ang mga nautangan niya at pinagloloko? Doon pa mandin sa Greenhills ang huling pakontes niya na ang ending ay naghahabol pa hanggang ngayon ang mga baklang nanalo!
Kaya siguro nagtago na naman ang buwang na baklang maitim ang kunsensya!
Payo namin sa future victims, mag-ingat na lang. Dahil kahit na po ‘yung mga legitimate contests na itinuturing eh hindi rin po naibibigay ang mga papremyo.
So, don’t be fooled nor be attracted sa mga katakam-takam na pri­zes kuno, baka ang en­ding n’yo eh lumunok na lang ng mga laway ninyo, huh?!

alfie lorenzo

eKLAvUMER : Marami talagang ganito, ‘yon iba nga lang very small time na hindi na pinagkakaabalahan pang idemanda.  Mukhang ang tinutukoy ni Tito Alfie dito ay yong baklang reporter noong 80s na nag-lie low tapos bumalik.  Ito ata yong naka-BANGS dati ang hair!

By eklavumer Posted in kolum

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s