Ramdam ni Ricky Lo two Saturdays ago ang tamlay sa buong kapaligiran ng Startalk, bunga ‘yun ng kalat na kalat nang paglipat niya sa TV5. “Biruin mo, kahit ‘yung mga cameraman, ang sabi sa akin, ‘Aalis na po kayo?’ Ang bigat tuloy ng loob ko, ayoko namang umalis sa GMA na ganun ang pakiramdam,” pag-amin ni Tito Ricky.
Lalo pa raw naantig ang kalooban ni Tito Ricky nang payagan siya ng program manager ng Startalk na manatili sa buong Marso. “Kasi kung ang isinagot sa akin ng PM eh, hindi na puwede, decided na talaga ako sa pag-transfer ko.”
Medyo nainis nga raw si Wyngard Tracy dahil sa kanyang patumpik-tumpik na desisyon. Mismong araw kasi ng pirmahan ng kontrata sa TV5 ay nagpasabi na si Tito Ricky through Wyngard, the go-between in the transaction, that he was staying with GMA.
Hindi naman itinanggi ng batikang columnist na very tempting ang offer, one that any network talent would find hard to resist. “Pero na-realize ko that it’s not all money,” sabi ni Tito Ricky.
RONNIE CARRASCO