JOSHUA DIONISIO : DI NA MAPIGILAN ANG PAGSIKAT!!!


Pitong taon na talent ng ABS-CBN si Joshua Dionisio pero nabigyan siya ng malaking break sa GMA 7.

Napansin si Jo­shua nang gampanan niya ang role ng young Cholo sa Stairway To Heaven. Nag-audition siya para sa nabanggit na papel at pinalad na mapili.
Ang akala ni Joshua, mga supporting role pa rin ang kanyang gagampanan kaya tuwang-tuwa siya nang malaman niya na sila ni Barbie Forteza ang magi­ging bida sa First Time.
Namayagpag sa ratings ang First Time mula nang magsi­mula ito kaya tinanong namin ang pakiramdam ni Joshua sa mga magandang pangyayari sa kanyang acting career.

Inamin ni Joshua na natutuwa ito dahil sa ma­laking break na ibinigay ng GMA 7 at nagpaha­yag din ng lungkot ang batang aktor dahil hindi raw siya masyadong napansin sa network na kanyang pinanggalingan.
Naramdaman ni Jo­shua ang popularidad ng loveteam nila ni Barbie dahil pinagkakaguluhan sila sa kanilang mga mall at school tour.
Alam na rin daw ng kanyang fans ang bahay na tinitirhan niya sa Mindanao Avenue. Itinuturo raw ng fans ang bahay nila sa tuwing nadadaanan ito.
“Hindi n’yo ba bina­lak na lumipat sa Visayas Avenue dahil alam na ng fans ang bahay n’yo sa Mindanao Avenue?” ang tanong namin kay Jos­hua.
“Sa Visayas Avenue po kami dati nakatira,” ang mabilis na sagot ni Joshua.
Hindi na kami humi­rit pa na subukan naman nila na  tumira sa Luzon Avenue. Baka mag-walk out na kami kung sasabihin ni Joshua na naranasan na rin nila na manirahan sa Luzon Avenue.

jojo gabinete

One comment on “JOSHUA DIONISIO : DI NA MAPIGILAN ANG PAGSIKAT!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s