Kumalat kahapon ang text message na buntis na raw si Judy Ann Santos. Tahimik pa ang kampo ni Juday. Wala pa silang kumpirmasyon kung true or false ang balita.
Mag-iisang taon nang kasal sina Juday at Ryan Agoncillo. Nasa legal age na sila para magkaroon ng anak kaya ito na talaga ang tamang panahon. Matutuwa ako at ang fans ni Juday kung totoo ang balita na nagdadalang-tao na siya!
LOLIT SOLIS