‘MARIAN DID NOT… I REPEAT , DID NOT SNOB ANYBODY!’ – DINGDONG DANTES


Ipinagtanggol ni Dingdong Dantes ang kasintahang si Marian Rivera sa panibagong akusasyon na may nakaaway na naman daw na fans ang aktres nang magpunta sila sa Middle East (Dubai, UAE at Doha, Qatar).

Nagtungo sa Middle East ang dalawa para sa series of shows nila with Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Ayon sa reports, may ilang fans na inisnab daw ni Marian nang mag-request ang mga ito na magpa-picture at magpa-autograph sa kanya.

“Sa karamihan ng segundo na nandun kami sa Dubai at sa Doha, magkatabi kami, lalo na ‘pag nagpo-promote, wala naman akong na-encounter na ganung incident. Well, siguro kung mayroon man, normal na may ganun. You can’t please everybody,” ayon kay Dingdong.

“Nagkataon siguro na hindi napagbigyan yung request because it was in a crowded area, which I really don’t know because specifically, yung incident na yun, baka sumobra lang din because wala naman talaga akong nakita. Ako kasi, normal na sa akin ‘yang balita na ‘yan, nasanay na ako,” patuloy niya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa 10th anniversary celebration ng YES! magazine noong Martes, February 23, sa NBC Tent.

TRIP TO SPAIN. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang pagpunta nila ni Marian sa Spain, kung saan dinalaw ng aktres ang ama nitong si Francisco Javier Gracia.

“It was much better than expected,” sambit ng aktor. “Sobrang memorable, sobrang dami ng nangyari na hindi mo malilimutan talaga. Kung mas nagkakilala ba kami [ni Marian], well, hindi, kasi basically magkakilala na kami nang husto. But it’s the experience that is different. It’s the experience na may mga moments kayong mase-share, things you will keep for a very long time.”

Muli ring nilinaw ni Dingdong na walang pamamanhikan na nangyari sa pagpunta nila ni Marian sa Spain.

“Walang ganun kasi yung trip na yun was really dun sa pagkikita nilang mag-ama,” aniya.

Babalik ba sila uli ng Spain?

“Kung may pag-uusap na ganun, nasa kanilang dalawa na yun. Ako naman, I’ll just support Marian sa mga gagawin niya,” sagot ni Dingdong. – Melba Llanera, PEP

By eklavumer Posted in PEP.ph

One comment on “‘MARIAN DID NOT… I REPEAT , DID NOT SNOB ANYBODY!’ – DINGDONG DANTES

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s