INDIE FILM NI ALESSANDRA DE ROSSI, X-RATED!


NAGTATAKA si Alessandra de Rossi kung bakit binigyan ng X-rating ng MTRCB ang trailer ng bagong indie film niya katambal si Victor Basa na Romeo at Juliet.
Ayon sa review ng MTRCB, na-x ang trailer ng Romeo at Juliet dahil ‘scenes showing blood, sex and sex games even- though implied cannot be shown to the public.’
Si Alex (palayaw ni Alessandra) ay dinadaan na lang sa biro kung bakit na-x ang nasabing trailer.
“Kasi nga, kita ‘yung likod ko!” bulalas ni Alex, na ang tinutukoy ay ‘yung eksenang nasa kama sila ng isang lalaki na naka­takip siya ng kumot at labas ang kanyang likod.
Ano bang ka-X-X sa likod niya?
“Akala nila, harap. Ganu’n sila ka-judgmental!” sagot niya.
“Feeling ko, ang lakas ng sex appeal dahil likod pa lang ang nakita, na-x na. Ano pa kaya kung harap pa?!” dagdag ni Alex.
Nabanggit niya sa kanyang Twitter account na feeling niya ay ang sexy-sexy niya dahil na-X ang trailer ng movie niya.
“Oo. Ka-X-X pala ako! Eh ‘di sana, nag-sexy star ako noon, sumikat ako, ‘no! Nakakalokah!” sey pa niya.
Ayon kay Alex ay okey lang sa kanyang magpakita ng ‘a bit of flesh’, pero talagang ‘a bit’ lang. Eh kung a bit of her breast?
“No, no, no, no!” tili ng 25-anyos na young actress.
Ang isa sa eksenang sinasabing may ‘implied sexual content’ ay ‘yung kunwari ay dominatrix ang drama ng karakter ni Alex, na ‘yung lala­king kapareha niya ay hinahampas niya ng whip.
“O, eh ano naman? Ang dami nga diyan, kung anu-ano ang pinapakita, ‘no!”
Na-try na ba niya ang ganu’ng eksena sa totoong buhay?
“Nooooo!!! My God! ‘Kalokah!” mataginting niyang reaksyon.
So, anong ginawa niyang research sa eksena na ‘yon?
“Panoorin n’yo kung dapat ko bang ni-research o hindi.”
Pantasya niya rin ba ang maging dominatrix na nanghahampas o nanlalatigo ng kapareha niya?
“Eeewwww!!! My God! Ha! Ha! Ha!”
Sa nasabing eksena ay ang yabang pa raw niya. Nag-iikutan sila nu’ng male model na kaeksena niya sa jacuzzi, tapos ay hahampasin niya ito ng whip. Hindi umabot ang dalawa niyang unang hampas kaya inabot siya ng take 3.
Ang ginawa ni Direk Adolf Alix ay inilapit na ang kanyang whip para umabot ito sa kapareha niya.
Sinong gusto niyang pagpraktisan ng gano’n?
“Mga kaaway ko. Chos! Ha! Ha! Ha!”
Bakit babae?
“Oh, eh ano ngayon? Wala akong kaaway na lalaki. I love them!” sambit pa ni Alex.
***
Tulad ng karakter ni Alessandra ay may problema rin sa pamilya ang role ni Victor Basa sa Romeo at Juliet.
Isa siyang masokista na gustong sinasaktan ang sarili niya dahil nakakakuha siya ng ‘pleasure in pain’.
Dahi isa siyang medical student ay mahilig siyang gumamit ng scalpel sa pagka-cut ng kung anu-ano, na pati sarili niya ay hinihiwa-hiwa niya.
Ayon sa 24-anyos na hunky actor, masokista siya in a way dahil bilang lalaki ay martir siya ‘pag nagmamahal. Pero emotionally lang daw ‘yon, pagdating sa usaping sex ay hindi siya masokista.
Nakaka-relate din si Victor sa pagiging inosente ng karakter niya sa pelikula, na nasa 20-an­yos na ay wala pang karanasan sa sex. Sa totoong buhay, feeling niya raw ay late bloomer siya.
Pinasok ni Victor ang mundo ng mode­ling nu’ng 19-anyos siya. Nasa 20 plus na raw ang edad niya nang magkaroon siya ng unang sex­ual experience. Hindi raw totoo ‘yung impression na porke model ay madaling mamulat sa kamunduhan.
“Hindi naman ako guwapo eh, ma-appeal lang ako nang konti. At saka hindi rin ako lumalabas masyado. Mabait ako, eh. At nu’ng bata kasi ako, sobrang focused ako sa school (sa De La Salle-Taft),” ani Victor.
Okey raw ang lovelife niya nga­yon sa piling ng isang non-showbiz girl na 3 months na niyang karelasyon. One year younger sa kanya ang nasabing babae na ang description niya lang ay nagwu-work sa Makati.
Gusto pa ng mara­ming acting works ni Victor dahil sadyang gusto niya ang pag-arte. Wala raw siyang interes sa acting award, pero once na ma-nominate siya, for sure ay ipagdara­sal niyang manalo siya.
Ikaapat na indie film ni Victor ang Romeo at Juliet pagkatapos ng Maling Akala (2007), Xenoa 2 (2008) at Marino (2010).

ALLAN DIONES

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s