CONFIRMED : ANDI EIGENMANN TOTALLY TSUGI NA SA ‘AGUA BENDITA’


KINUMPIRMA ng source namin na may hindi pagkakaintindihan ang Kapamilya network at Jacklyn Jose dahil sa unija hija nitong si Andi, bida ng Agua Bendita na napapanood na nga-yon sa ABS-CBN.

Hindi raw nagustuhan ni Jacklyn ang ‘di kaagad paglabas ni Andi sa naturang fantaserye. Tila naiinip na raw ito dahil hanggang ngayon ay nakatengga pa rin ang appearance ng anak na si Andi gayung ang anak ang star sa naturang serye.

Katuwiran ng Kapamilya, tumataas daw ang rating ng Agua Bendita kahit ‘di pa nasisilayan ang kagandahan ni Andi.

Nasu-sustain pa raw ng batang gumaganap sa role na Agua at Bendita kaya naisip ng network na pahabain pa ang role ng mga batang Agua at Bendita dahilan para maudlot ang pagpasok ni Andi.

Hindi raw muna palalakihin ang mga bata kaya nagpuputak daw ang mother ni Andi.

At para hindi na raw humantong pa sa hindi magandang usapan between Andi’s mother and Kapamilya Network, nagdesisyon ang Star Magic, nangangalaga ng career ni Andi, na pakawalan muna sa kanilang kuwadra ang cute na anak ni Jacklyn.

Sabi pa ng source, wala na nga sa poder ng Star Magic si Andi, kahit pa raw itanong sa road manager ng dalaga ni Jacklyn

Well, ang moral lesson, huwag didiktahan ang TV network para lang sa personal na interest. Alam kasi ng bawat network kung ano ang ikabubuti ng isang prog-rama at ikasisikat ng kanilang talents.

Maghintay at huwag mag-atribida dahil ang network ang nagbibigay ng pag-kakataon na sumikat o pasikatin ang baguhang talent.

GERRY OCAMPO

4 comments on “CONFIRMED : ANDI EIGENMANN TOTALLY TSUGI NA SA ‘AGUA BENDITA’

  1. punakawalan lang siya ng star magic, pero di sa project na agua bendita, taken na ang more than a dozen scenes kaya tuloy parin ang project. if gusto talaga ng network management na palitan siya pwede yun pero doble kayod naman ang gagawin ng mga child agua/bendita cast to make up more scenes na pahabain ang part nila. once na baguhin ang script it will take some time and a lot of damage, money and time ang involve dito. ililihi man nila in the future ang casting ni Andi di na mabubura sa isipan ng manonood na siya talaga si AGUA sa original. mganda siya diba bisaya blood kasi….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s