BLIND ITEMS… TWINBILL!


ngehehesenexetech???

Kamag-anak ni youngstar, dinedeadma dahil sa bf

MUKHANG dinedeadma na ng isang young star ang isa niyang kamag-anak na nag-text at tumawag sa kanya noong Holiday Season.

Ni ha, ni ho ay wala kasing narinig ang aktor na kamag-anak ng young star. Hindi niya alam kung nagpalit na ng number ang aktres. With this, sumama ang loob ng relative ng young star.

Parang mahirap na bang abutin ang young star ngayon lalo pa’t sunod-sunod ang kanyang project sa isang network na Kapamilya niya raw?

O baka naman super busy din siya sa kanyang bagong boyfriend na non-showbiz. Ang balita kasi namin, kung saan-saan sila napagkikita ngayon. At take note, palaging super sweet ang dalawa ngayon.

GF ni Young singer, mahal pa rin ang ex-live in partner

AWARE kaya ang isang young singer na until now ay mahal na mahal pa ng kanyang dancer-TV host boyfriend ang ex-live in partner niyang may dugong banyaga?

Ang sabi kasi sa amin ng amiga naming super tsikadora, hanggang ngayon ay nami-miss pa rin ng dancer-TV host ang ex niya. Matagal din naman kasi silang nagsama noong nasa ibang bansa pa ang dancer celebrity na ito.

Ang singer naman, clueless marahil na until now ay may pagtingin pa ang kanyang dyowa sa ex nito. Kung sabagay, hindi naman niya basta-basta maiaalis ang bagay na ito lalo pa’t kulang na lang ay ikasal ang dalawa. Taon din ang binilang ng kanilang pagsasama. In fact, dinala pa nga ng dancer-TV host ang kanyang foreigner girlfriend noon dito sa ating bansa, ‘di ba?

Clue? Naku, ilan lang ba ang dancer na puwedeng mag-host? At ang female singer naman ay nanggaling sa isang softdrink commercial. ‘Yun na!

alex brosas

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s