MARIAN RIVERA : ‘KASAL? LIVE-IN? NO! NO! NO!’


SINAGOT ni Marian Rivera ang naglalabasang nagpakasal at nagli-live in na raw sila ni Dingdong Dantes.

“Walang katotohanang nagpakasal or nagli-live in na kami ni Dingdong. Hindi ko ugali na itago sa publiko kung sakaling mag-aasawa na ako. Walang dahilan para ako magpa-secret marriage.

“At kung darating ang tamang panahon na kaila-ngan ko nang magpakasal, gusto ko ay isang simpleng church wedding. Never pumasok sa isip ko ang magpa-secret  marriage or civil wedding,” paliwanag ni Marian.

Sa ngayon, hindi pa raw sila handa ni Dong to settle down dahil marami pa raw silang commitments at marami pang balak gawin.

“After ng Darna ay may inihahanda  na ring teleserye sa amin ang GMA7, pag-kagaling  namin sa Dubai  at Qatar. Hopefully, matuloy na rin ang pagdalaw namin sa father ko sa Madrid, Spain.

“Doon na rin siguro ka-mi aabutin ng Valentine`s Day. Basta ang sigurado ay tatapusin muna namin ang lahat ng commitments bago kami umalis ng ‘Pinas,” say pa ni Marian.

GERRY OCAMPO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s