i-SHAKE MO! TV 5!


Kinakabog na nga ba ng bagong kaharian ni Manny Pangilinan ang dalawang malaking network sa bansa?  Magandang pangitain na isang mapilak na grupo ang hahawak sa “obscure, poor third network” na ito ngayon.  Muntik na rin sana itong mamayagpag nang pamahalaan ng isang Cojuangco nitong nakaraan pero wala ring nangyari.  Kunsabagay , marami ring olternatibong palabas ang napanood dito pero laging walang katiyakan kung yayabong ang mga ito at tuluyang kikilalanin sa industriya.  Tapos heto na nga at enter frame si Pangilinan and friends na mukhang male-maleta ang kadatungang ibubuhos upang tanghaling matinding kalaban ng KAPAMILYA at KAPUSO networks ang kasalukuyang tinatawag nilang KA-SHAKE.  Ka-‘shake’ dahil nasi-shake ang mga talents ng magkabilang estasyon sa kanilang mga priorities ngayon.  Naroon na sina PAOLO BEDIONES at CHERYL  COSIM, pero malakas din ang ugong na lilipat sina ARNOLD CLAVIO at KAREN DAVILA  para pamunuan ang news department.  Hume-hello rin daw si WILMA GALVANTE upang pangatawanan ang talent department, kung saan ay nakatakdang maging tahanan ang singko nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Marian Rivera, at maraming-marami pang iba!  Mukhang taon ng TV5 ang 2010!  I-SHAKE MO!

EklaVumer

By eklavumer Posted in dighay

4 comments on “i-SHAKE MO! TV 5!

  1. Mas maganda yan na maraming TV station na mapagpipiliin ang mga televiewers para hindi na 2 station lang ang naglalaban at lalong improve nila ang mga TV shows nila.

  2. malabong magsucceed ang isa pang network yung dalawa nga halos magpatayan na pero jst to let them know na sila rin papatay sa industriya nila advertisers lang naman bumubuhay sa kanila remember, puro de remote na ang tv, asar ang tao pag commercial, yung teleserye mabibili na sa dvd, yung news nasa internet halaka, malapit na.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s