DIONISIA PACQUIAO : PALAOS NA ANG NOVELTY


JOJO GABINETE WROTE : TAMA ang desisyon na huwag bigyan ng regular TV show si Dionisia Pacquiao dahil hindi pinapanood ang kanyang mga TV guesting.
Malinaw na ebidensya ang rating ng mga TV guesting ng nanay ni Manny na natalo ng mga katapat na programa.
Base sa records ng TV ratings na pinag-aralan namin, hindi nag-rate ang lahat ng TV appearan­ces ni Dionisia. Natalo sa ra­tings kahit ang mga TV show na namamayagpag kapag ang ina ni Manny ang bisita.
Popular lang si Dionisia sa mga tao dahil sa kanyang karakter na nakakatawa at nakakaaliw, pero hindi ito nakakatulong para magkaroon ng mataas na rating ang programa.

EKLAVUMER says: Perfect example si Dionisia ng isang tiga-bukid na biniktima ng pagkakataon.  Hindi niya agad naisip na noong bigla siyang pagtuunan ng pansin ng media na siya ay pinaglaruan lamang dahil sa kanyang ‘kakatwang’ personality.  Idagdag pa diyan ang bigla niyang pagkahumaling sa atensyon dahil walang dudang ikinatuwa niya ang pagtutok ng spotlight sa kanyang nangungulubot nang balat.  At tulad ng lahat ng mga pinakintab na tanso,  napariwara ang kanyang kasikatan at ngayon ay para siyang pigsa sa mukha ng showbiz na ayaw mahinog.  Masakit isiping nagpaagos sa daloy ng kahibangang pinasukan ang isang senior citizen na dapat ay nirerespeto kahit papaano dahil ina siya ng isang taong sumikat sa buong mundo dahil sa pakikipagbasagan nito ng mukha.  Dapat isinaisip ni Dionisia na binigyan niya ng pagkakataon na balahurain ang kanyang dignidad ng mga walang pusong nagpapalakad ng mga pangyayari sa mundo ng palara at kaplastikan!

One comment on “DIONISIA PACQUIAO : PALAOS NA ANG NOVELTY

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s