CHERYL COSIM-PAOLO BEDIONES TANDEM SA 5


Napabayaan nga ba ng ABS-CBN si Cheryl Cosim?

Ayon sa isang source, labing-apat na taong nag-trabaho si Cheryl Cosim sa Dos, pero nabalewala   raw  yata ang kanyang loyalty at dedikasyon kaya nag-desisyong lumipat sa TV5.

Kuwento pa nito, halos tumira na si Cheryl sa studio. Madaling araw hanggang gabi, pitong araw sa isang linggo, nakikita at naririnig siya sa radyo’t telebisyon.


“Pero bakit hindi ito nakita ng mga bosing niya sa network?” anang source.

Marahil sadyang mahigpit ang competition sa Kapamilya network kaya hindi pa nabibigyan ng break si Cheryl sa primetime o late evening newscast.

Nag-a-anchor siya ng hourly news report araw-araw, mula umaga hanggang gabi. May current affairs program din siya at naririnig sa DZMM.

Pero maraming mas senior kay Cheryl na nakalinya sa Dos. Nariyan sina Karen Davila at Ces Drilon.

Mas nabibigyan pa nga ng atensyon sina Pinky Webb at Bernadette Sembrano na kung tutuusin, mas junior kay Cheryl sa ABS-CBN.

Nakakalungkot, sey ng source, dahil ibang network pa ang nakapansin sa potensyal ng news talent.

Maganda raw ang offer ng TV 5 kay Cheryl. Dalawang programa at mas malaking sahod na hindi umano kayang pantayan ng Lopez-owned network.

Totoo ba ito? Ang alam namin, wala pang pinipirmahang kontrata si Cheryl sa Singko. Baka mamaya, ayaw siyang pakawalan ng Dos.

Pero may tsikang rin na simula sa March, gagawing primetime news anchor si Cheryl sa TV5, kung saan makakasama niya si Paolo Bediones.

Matatandaang nauna nang lumipat si Paolo sa Singko mula sa Siyete. Bibigyan din daw ng solo public affairs program si Cheryl sa TV5?

Well, abangan na lang natin kung mawawala nga  si Cheryl sa Dos at sa TV5 susulpot.

Sa totoo lang, bukod kay Cheryl, may ilan pang  mga taga-Dos na gustong mag-apply sa TV5.

Feeling daw nila, mas magkakaroon sila ng pagkakataon sa kumpanyang pinamumunuan na ng negosyanteng si Manny Pangilinan.

PEOPLE’S TONIGHT

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s