“Thank you so much Press Friends!” -GEORGINA WILSON


Habang ang mga kagandahan nina Angel Locsin at Anne Curtis ay ayaw pang humarap sa mga press people nu’ng hapon na yun sa shooting ng bagong music video ni Christian Bautista sa Eastwood Mall, tanging ang mabait na half-British, Half-Pinay na fashion model in person of Georgina Wilson ang napaka-friendly na nakipag-tsikahan sa mga reporters para mapagtakpan ang kakulangan ng dalawang “pa-istar effect” na sina Angel at Anne. Biruin mo, maski naka-curlers pa ang buhok ni Georgina, wala siyang pakialam na humarap sa media people na bored na bored na sa paghihintay kina Angel at Anne. Tapos na kasi silang mag-interbyu nu’n kay Christian, at pinupuntirya nilang maige si Angel Locsin na napaka-hot copy nowadays because of CNN Hero Efren Penaflorianda’s openness of revealing his true love for her. Pero hayun, ayaw bumaba ni Angel mula  sa second floor ng eastwood mall upang humarap sa press dahil inaayusan pa daw siya. Buti na lang, si Georgina ang bumaba at humarap sa press. This is because of her gratefulness sa mga media people na hindi siya inintriga at siniraan nuong sila pa ni Richard Guttierez. Naisip siguro ni Georgina na ito na siguro ang chance niya para magpasalamat sa press.
“The press was so nice to me”, Georgina said infront of four veteran entertainment journalists. “Everybody, everyone among them was so nice to me. That’s why I feel this is my chance now to thank them…. yeah, they didn’t write anything negative about me. They spared me from controversies. They were so nice.”
Pa’no naman kasi, marunong magdala ng kanyang sarili si Georgina. Alam yun ng press people and media people. Hindi naman siya naging kontrabida nuon sa buhay ni Richard. In fact, she’s always at the side lang… tahimik lang siya nuon. Kaya iginalang ng media people ang naging brief afair nila ni Richard.
“At mahiyain daw kasi ako”, sabi pa ni Georgina na marunong naman palang magsalita ng Tagalog (at pinahirapan pa ang writer na ito sa siumula sa pag-iisip ng proper English grammar sa pagtatanong sa kanya). Hehehe.”And they knew na I never took advantage of my friendship with Richard. They knew I didn’t use him for popularity. Kasi, alam nilang hindi naman ako mag-aartista dahil ayokong umarte sa harap ng kamera. Hanggang pagmo-model lang ako.”
At hindi rin daw nagsasagot nuon si georgina. She simply let it pass, at duon na-attest ng mga press people na hindi nga niya ginagamit lang si Richard. Ngayon, bihira na silang magkita ng aktor.
“I haven’t seen Richard for quite sometime now”, sey muli ni Georgina.”But he will remain to be a very good friend to me. I will never forget all those memories we had when we were in Boracay.”
Dahil doon daw nakita ni Georgina ang tunay na pagkatao at kabaitan ni Richard. Noong nasa Boracay sila.
“He is a very shy young man”, pagtatapos na wika ni Georgina. “A very kind person. A very guarded person. Doon sa Boracay, he simply wanted to be himself. Just himself. And it was the real Richard. I’m so glad I was the person he chose to reveal his truest self.”

ROBERT SILVERIO

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s