NIÑA JOSE, NANGUNGUNA SA MGA SISIKAT SA 2010!


SA PAGSISIMULA ng 2010, inaaasahang muling magiging makulay ang showbiz dahil sa pag-usbong ng mga bagong artistang hahataw ngayong taon. Narito ang aming listahan ng ilan sa mga babaeng artista na sa paniwala namin ay mamumulaklak sa Year of the Tiger.

Nina Jose—Kahit maigsi lang ang papel ni Nina sa Mano Po 6, malakas ang kanyang dating sa pelikulang ito dahil sa love scene niya kay Dennis Trillo. Naging calendar girl si Nina para sa isang sikat na alak at inaasahang lalabas na ang kanyang commercial sa TV para sa nasabing inumin ngayong Enero. May bago siyang teleserye sa ABS-CBN ngunit hindi siya pinagbawalang maging guest sa mga show ng GMA. Isa si Nina sa mga bagong Regal Baby na sisikat nang husto sa 2010 sa tulong ng kanyang manager na si Manny Valera.

Jackie Rice—Maganda ang simula ni Jackie sa 2010 dahil siya ang unang cover girl ng sikat na magasing FHM ngayong buwang ito. Determinado ang Siete na lalong i-build-up si Jackie sa mga seksing kontrabida roles tulad nina Katrina Halili at Iwa Moto. Sinabi ni Jackie na nagbago na ang kanyang imahe na pasaway at gusto niyang patunayan na kaya niyang sabayan ang iba pang mga Kapuso star.

Megan Young—Nagpakitang-gilas si Megan bilang TV host ng Us Girls noong isang taon kaya binigyan siya ng bagong trabaho bilang VJ sa Channel V Philippines. Maganda rin ang kanyang impact sa Ukay-Ukay episode ng Shake, Rattle and Roll XI kaya may ibubuga naman siya sa pag-arte. Blooming din ang lovelife ni Megan dahil sa relasyon niya sa player ng Ateneo na si Nico Salva.

Jennica Garcia, Erich Gonzales, at Kris Bernal—Silang tatlo ay may bagong teleserye ngayong taong ito. Sa The First Prince si Kris ang bida katambal si Aljur Abrenica habang si Jennica naman ay may Ina Kasusuklaman ba Kita kasama ang kanyang inang si Jean. Patuloy pa rin ang paghataw ng Katorse ni Erich sa ratings. May plano rin ang FHM na alukin ang tatlo para maging cover girls ngayong taong ito bilang bahagi ng ika-10 anibersaryo ng sikat na magasing panlalaki.

james ty III

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s