POPS FERNANDEZ, DEDMA LANG KAY AMALIA FUENTES


Nadawit na naman sa kontrobersiya ang Concert Queen na si Pops Fernandez. Binanggit kasi siya ng dating movie queen na si Amalia Fuentes sa panayam nito sa Showbiz Central noong December 27, tungkol sa anak nitong si Liezel Sumilang-Martinez.

Na-diagnose na may stage 3 breast cancer si Liezl at ang naging cause daw no’n, ayon kay Amalia, ay ang pagpapalagay nito ng silicone implant sa dibdib. Ayon pa sa dating aktres, naimpluwensiyahan daw siguro ang anak ng mga kaibigan nito na magpa-breast augmentation.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pops pagkatapos nitong mag-host ng 35th Metro Manila Film Festival Awards Night noong Lunes, December 28, sa SMX Convention Center. Ayon kay Pops, as much as possible ay ayaw niyang magsabi ng anything negative or bad about Amalia dahil kaibigan niya si Liezel.

“Whatever Tita Nena [Amalia] said on Showbiz Central, hindi ko na lang ‘yon sasagutin because I have high respect for her and her daughter. Hindi naman maganda na sasagot pa ako because Liezel has been a good friend of mine for such a long time, and Tita Nena has been a friend of our family as well. Kaya I can’t say anything that will hurt them both. It’s better that I’m just quiet about it and just let it pass,” saad niya.

Pero kumusta na nga ba ang kalagayan ng kaibigan niyang si Liezl?

“Well, Liezel is doing okay now,” sagot ng Concert Queen. “She’s in a much better shape now than before. But, of course, we are praying for her health always. Kaya ayaw din namin siyang makaranas ng stress or anything na makakabigla sa kanya because she’s not totally well.

“That’s why it’s better that we let all these intrigues pass. Hindi kasi ‘yan makakatulong sa kalagayan ni Liezel. What their family needs now is our prayers and understanding,” pahayag ni Pops.

A STRESSFUL YEAR. Naging very stressful ang taong 2009 para kay Pops. Lalo na’t na-involve siya sa iba’t ibang intriga, tulad na lang ng paghihiwalay nila ni Jomari Yllana, ang isyu sa kanila ng businesswoman na si Mikaela Bilbao, at itong ngang kay Amalia Fuentes.

Inamin ni Pops na masyado siyang “nabugbog” nitong taong ito considering na wala naman daw siyang TV show at wala naman siyang pelikula na pinu-promote.

Ilang beses din daw siyang umiyak dahil sa matinding dagok ng intriga sa kanya. Pero nananatili pa rin daw siyang matatag dahil kailangan niyang maging malakas at matapang para sa mga taong mahal niya.

“I admit that it was really a very busy year for me, busy sa intriga at kung anu-ano pa,” aniya. “Nagugulat nga ako kasi bigla na lang ako nasasangkot. I’m really shocked by it all and may times talaga that I can’t help but cry.

“Tao lang naman tayo. Naaapektuhan pa rin ako by even the smallest intriga about me. Kahit na matagal na ako sa industriyang ito, still, yung sensitive side ko, hindi nawawala. But crying helps kasi it eases the pain somehow. After crying, you feel better and you go on with your life,” patuloy ng singer-actress.

Ayaw patalo ni Pops sa mga mabibigat na intriga. Nagagawa pa rin daw niyang ngumiti despite the controversies.

“Ngitian na lang natin lahat ‘yan kasi I don’t want it to ruin my Christmas and New Year, di ba? Wala naman mangyayari kung buong araw you would feel bad about it. You go on with your life as always. Think about it as one of the challenges you encounter every day,” sabi ni Pops.

Kapag pinanghihinaan daw si Pops, ang una niyang iniisip ay ang pamilya niya, lalo na ang dalawang anak niyang sina Robin and Ram.

“I always think about my kids when intrigues like this comes along,” sabi niya. “Parang automatic na kapag malungkot ka, you think of your children. You don’t want them to see you na nahihirapan ka or nalulungkot ka. You want to always be strong sa paningin nila. Kaya nga my kids are my source of strength, always.”

ruel mendoza, PeP

By eklavumer Posted in PEP.ph

2 comments on “POPS FERNANDEZ, DEDMA LANG KAY AMALIA FUENTES

  1. Tama lang ang sinabi ni pops huwag nalang niya patulan ang walang entang ina ni liezel, tulad din ni bisaya si amalia walang modo pag na interview. hindi nag-iisip kahit kasisira ng anak sasabihin sa interview. lol

  2. Mas walang kwentang anak si Liezel at hwag ikumpara si Amalia kay Anabelle ang layo layo naman. Alam mo bang si Amalia ay valedictorian nung High School at sa US sya dapat magcollege pero mas pinili nyang mag-artista e si Anabelle hanggang internation . . . lang sya. tanong mo pa kay Maceda.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s