sex goddess of philippine cinema 2009 : CRISTINE REYES!


SA mga lalaking mahilig magbasa ng mga magasing punompuno ng kaseksihan, walang duda na nagreyna si Cristine Reyes ngayong 2009.

Nanguna si Cristine sa 100 Sexiest Women ng sikat na magasing FHM sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasangkutan niya kina Dennis Trillo, Carlene Aguilar, at kamakailan lang, si Heart Evangelista.

Nagkaroon din ng problema si Cristine sa ABS-CBN kaya umalis siya sa Banana Split ngunit naayos din ito kaagad at nagbida siya sa Eva Fonda na nanalo pa ng karangalan sa Asian TV Awards noong Setyembre sa Korea.

Bumenta nang husto ang FHM ni Cristine na kinunan pa sa SCTEX sa Pampanga sa gitna ng bagyo.

At kung bagyo ang pag-uusapan, bukambibig din ang pagtapak ni Cristine sa bubungan ng kanyang bahay sa Provident Village, Marikina, dahil sa bagyong Ondoy at kung paano siya nailigtas ni Richard Gutierrez na naging leading man niya sa isang pelikula.

Ang isa pang cover girl ng FHM ngayong 2009 na si Jennylyn Mercado ay umeksena rin sa gitna ng bagyo nang binuksan niya ang kanyang bahay sa mag-inang Jean at Jennica Garcia pagkatapos na bahain ang kanilang tahanan sa Fairview, Quezon City.

Seksi pa rin ang pictorial ni Jennylyn sa gitna ng kanyang pagiging isang dalagang ina at pumirma siya ng kontrata sa Viva Films bilang bahagi ng kanyang repackaging.

Umeksena rin ang mga dating cover girls ng FHM na muling nagbilad ng kanilang mga katawan tulad nina Maui Taylor, Katya Santos, Andrea del Rosario, Aubrey Miles, at Valerie Concepcion habang bukod kay Carlene ay sumabak din sa pagpapa-sexy ang iba pang mga Kapuso star tulad nina LJ Reyes, Maggie Wilson, at Paloma na naging bagong sex columnist ng magasin kapalit ni Asia Agcaoili na nagsilang ng isang sanggol na lalaki sa Netherlands.

Sumabak na rin sa pag-arte si Paloma sa indie film na Pitik-Bulag at sa teleseryeng Zorro ni Richard sa Siete.

Lalong lumakas ang benta ng FHM sa 2009 kaya inilampaso nito ang kalabang magasing Maxim na nagsara na noong Nobyembre.

Dahil dito ay sumabak din sa pagiging FHM cover girl ang mga Kapamilya star na sina Bangs Garcia, Paw Diaz, at RR Enriquez.

Sa pagbubukas ng 2010 ay mas magiging maganda ang FHM dahil magiging sampung taon na ang magasin sa pangunguna ng mga cover girls na sina Jackie Rice sa Enero at Rufa Mae Quinto sa Pebrero.

james ty III

One comment on “sex goddess of philippine cinema 2009 : CRISTINE REYES!

  1. Sexy talaga siya parang natural. Di gaya ng ibang sexy stars na product of science. Dapat ang ma-feature sa FHM ay mga original beauty lang hindi pwede ang fake. Or if there is a contest on sexiest actress, retoke beauties are disqualified para magkaalaman talaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s