PAG NAKIKITA ANG MUKHA NI SANTINO, GUMAGANDA ANG GABI, KAPAG MUKHA NI DING, NAUUNSYAMI KAMI


image:pep

Sa totoo lang, eklavumer. Tunay na importante ang “looks” ng isang artista para mapasaya mo ang mga tao. Kasi naman, iba pa ring visuals, nakakaganda ng mood at lalo kang sisigla. Kaya naman sa tuwing makikita namin ang napaka-among mukha ni Santino (ang batang bida sa teleserye ng channel 2 na “May Bukas Pa”) , gumaganda ang gabi namin. Napaka-cute niyang tignan sa telebisyon at fresh na fresh siya, halata mong hindi napapagod at inaabuso ang batang katawan sa pagte-taping. Ang kanyang mga mata na bilog na bilog, very alive at alam mong husto ang tulog. Alam mo ding inaalagaan siya ng husto ng kanyang mga magulang, handlers, lalo na ng channel 2.
Na napaka-contrary yata sa impresyong naibibigay ng isang artistang bata sa kabilang istasyon- yung batang gumaganap na “Ding” sa isang fantaserye duon na mas mainam na huwag na naming banggitin ang pangalan at baka sumikat pa (kasi naman, maski nasa isang teleserye na ito ay wala pa ring nakakakilala sa kanya dahil hindi binibigyan ng publisidad ng manager niya). Pagmasdan ninyo maige ang hitsura ng bata, napaka-pangit! Mukhang haggard na haggard na sa pagtatrabaho, napakaitim, halata mong kulang sa tulog at nababansot na! Kawawang bata! Kung sino man ang personal manager ng batang ito, hindi ba’t tungkulin niya na “ayusan” man lang sana yung bata? Napakapangit niya, eh. Maski napakagaling niyang umarte na pilit na pilit naman ang dating (hindi katulad ni Santino na napakagaan lang ng acting, walang masyadong effort, pero ang lakas ng dating), at halata mong may trauma at tensyon na yung bata sa katawan niya! May problema na rin yata ang batang ito sa mga magulang niya, and worse, tila pinagkakakitaan na lang siya ngayon ng mga tao sa paligid niya. Dapat sigurong umaksyon na yung istasyon o TV network na tumutulong sa batang ito. Sayang at kawawa naman siya,eh.

robert silverio

35 comments on “PAG NAKIKITA ANG MUKHA NI SANTINO, GUMAGANDA ANG GABI, KAPAG MUKHA NI DING, NAUUNSYAMI KAMI

  1. ang kyut ni zaijan… si buboy naman parang ipinilit lang sa madla, ethnic kasi ang itsura, kaya lang sa sobrang ka-ethnikan, mukha na siyang ebak. ang sagwa pa niyang magsalita. sabi nga ni mommy d – iuwwww!

  2. hoy, kitang-kita ang bias mo sa judgment. colonial ang utak mo. halatang-halata din kung gaano kababaw ang alam mo sa acting skills. kung wala kang masabing may substance, wag ka ngang nagsusulat, nakakasira ka lang ng kapwa tao mo.

  3. tanga ba you at nagbabasa ka ba? ikwa ang kolonyal,,,nabasa mo naman db na LOOKS lng ang kinekwestion ng author at hindi ang acting skills nia….”Maski napakagaling niyang umarte na pilit na pilit naman ang dating”…commended namAN ng author ung acting nia.TANGA! KAPUSO KA NOH?

  4. FYI:Nag umpisa sa channel 2(abs-cbn) si Buboy… and para namang below the belt yung mga words na pangit…hindi akma para kay bubuy kasi bata pa yan… and wala ginagawa sa inyong masama… pareho silang sikat ni Santino now…kaya nga may mga commercial sila eh…

  5. he he cute nga ni Santino, nangingiti ako pag nakikita ko siya sa TV. Sana pag lumaki siya ma-maintain niya yung pagiging sikat niya. kasi karamihan ng batang sikat nalalaos, like BJ Flores ba yun? then yung Bugoy dati sa Eat bulaga. The other kid naman na na-feature ok lang na pambalanse he he, kaso medyo the way nga na mag-salita medyo ma-epal, pansin ko lang. Newei yaan niyo bata pa naman. Lets give them a chance to enjoy their childhood.

  6. Para namang hindi Pinoy na pinoy ang itsura ni Robert Villar at si Santino ay may halo na yan. Magaling na singer din si Robert Villar at naging grand winner sya ng kid talent contest sa ABS kaya lang pinabayaan kasi ng Pinoy na Pinoy.

    Masyadong mapamintas naman yang nagsulat dahil ano ba ang itsura ng writer na yan.

  7. hindi ako mahilig mag-comment pero nang mabasa ko ito, hindi ko napigilan ang aking sarili! CHILD ABUSE na rin itong matatawag na tawaging PANGIT ang isang bata sa isang write-up! Napakawalang modo at tanga ng writer na ito para tawagin ang isang batang aktor na ganyan!

  8. @kate ganyan talaga pag totoo ang sinasabi ng writer, pero mali parin ang writer respeto nalang sa bata kasi tao rin naman si boboy.

  9. well, we are here in Philippines, the land of freedom. Eh ganun talaga may mga tao na very vocal sa observations nila buti kung lahat ay may manners eh hindi eh. Sorry na lang kung me matamaan since anjan sila sa limelight dedmahin na lang nila.

  10. sira ka pala eh! biro mo sasabihin niyang pangit ang isang tao??? bakit napa-harsh naman ng writer na ito na sabihing pangit ang isang tao. you should look at yourself in front of the mirror first before giving any harsh judgment. Our org, Beauty Mania, never recognize the word “UGLY” because we believe that EVERYBODY IS BORN BEAUTIFUL. Buksan mo muna ang mata mo before giving such comments.

    tsk tsk…minsan kung sino pa yung malakas ang loob na magsabi ng pangit sa isang tao eh yun mismo ang tunay na pangit sa totoong buhay!

  11. pinoy na pinoy parewnts ni zijan. gifted lang ang bata ng magandang mata for all we know baka paglaki ni ding.. hunk ang dating nito.

  12. ayoko ng alipustain si boboy kasi mukha naman syang mabait na bata pero kung titignan mo talaga ang face niya at katawan mukha syang nagtitinda ng plastic bag sa palenke, kahit anong paligo mo mukhang paring galing bangketa. totoo lang diba.

    Pero mabait na bata si boboy nakita naman sa itsura.

  13. sa lahat ng mga nagbigay ng tugon sa writeup ko na ‘to, this is what i can say: I AM FIRM ON WHAT I WROTE, AND I’M STANDING BY IT. freedom has no limitations for me. kaya nga tinawag na freedom yun, eh. kasi kapag may limitasyon rin lang ang freedom, mag-iiba na yun ng kahulugan. tinawag kong napakapangit yung bata- hindi da pagiging tao niya, kundi bilang isang batang artista na dapat maging fresh, alive and good-looking sa paningin ng mga televiewers. yun ang point ng writeup ko- to awaken every stars on TV na maging maayos naman ang hitsure. Look at Pokwang, she’s not pretty, pero para sa akin ay napakaganda niya dahil sa kanyang very alive na personality, fashionable clothes and outlandish costumes (na entertaining tignan sa TV). but this child actor, dapat hindi gano’n ka-haggard ang hitsura niya. puwede naman siyang pa-guwapuhin, di ba? bakit ganon? kaya naaawa ako sa kanya. nagmamalasakit lamang ako sa sitwasyon niya. he is a money-maker, pero parang may problema yung bata…. alam ko, na-hurt ko ang feelings ninyo. But the thruth hurts. ang obligasyon ko bilang isang manunulat doesn’t end in providing news, press releases, praises and friendship. my obligation as a writer starts with a mission to awaken the minds of those who sleep… and to mr. kazandro yuzon, i think you judged me wrong. lahat ng mga pinakamamahal kong kaibigan sa pribadong buhay ko ay may kapansanan, mga taong kinukutya sa lipunan at minamaliit. pero kinaibigan ko sila, sinamahan, pinaglaban. i can even offer my life to those people na kung tawagin nila ay pangit. … and a child’s life is more precious to me than anything else in this world.

  14. Meron kang punto sa mga binanggit mo, ngunit isa yang bata na hindi mo dapat alapustahin ng ganun nalamang, pangit kung pangit, pogi kung pogi, pero hindi mo dapat binabagsakan ng isang malupit na panghuhusga, kung gusto mong manghusga, huwag ang kaanyuan ng tao, kung hindi ang ugali nito, huwag kang ganyan.

    at hindi po pilit ang kanyang kilos, natural ang kanyang galaw at bibbo lang talaga ang batang iyan.

  15. Okay, ako susubukan kong maging napa-neutral. Hindi ko kilala ang dalawang batang ito pero ayon sa nabasa ko ay mga bago itong artista sa Pilipinas.

    Kung ako ang huhusga base on looks, Oo para sa akin sasang-ayon ako sa author na mas cute at charming nga ang unang litrato pero hindi naman panget ang sumunod. Ang nauna ay halatang photogenic, samantalang ang ikalawa ay hindi gaano. Magkagayon pa man hindi pa rin tamang sobrang hamakin ang panlabas na anyo ng huli dahil iba-iba ang opinyon tao eh.

    Ako hindi sa nagbubuhat ako ng sariling bangko pero alam ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa 😆 (hindi sana ako tamaan ng kidlat) okay seriously, marami ang nagsabi na maganda raw ako, nang nasa pinas pa ako may minsan din akong in-offer ng isang talent agent.

    To make a story short may hitsura ako pero siguradong hindi lahat ay sasang-ayon, siguradong may iba na magsasabing napanget ko.

    So all in all, hindi ako sasan-ayon na panget yung huli. And just for a note, mga artista sila ng Pilipinas di ba? Dapat ang artista ay hindi lamang sa ganda binabasehan kundi sa talento na rin, pero dahil hindi ko alam kung gaano sila kagaling sa acting ito na lang ang sasabihin ko. Mas magiging natural ang pelikulang tagalog kung may panget,guapo at mukhang pilipino na actors. Di ba?

  16. @jheiphoe, alam ko na kung bakit ka nag react sa word na pangit dahil sa photo mo nakikita naman. sorry bro kung napintasan kita pero ito ang sinasabing katotohanan. na sinasabi ni robert.

  17. may conflict po sa sinabi nyo. ano ba talaga? sabi mo a child’s life is more precious than anything else in this world. pero you are firm with what you write. hindi kaya badly organize ang write up mo? pwede mo sabihin ang bagay na yan in a very constructive manner. now, look, panay explain mo ngayon. your explanation is not part of your write up. cge, tanggap. magkaiba ang opinyon sa freedom. sa akin kasi may kaakibat na responsibility ang freedom pero para sa iyo it should be absolute. ok, but still, your writeup is BADLY WRITTEN and very unexpected sa isang responsible writer. Hmmmm, whatever! i just want to give my sympathy to the kid!

  18. to seven: basahin mo ng paulit-ulit ang tugon ko. may between-the-lines yun. at hindi ako nage-explain. dinedepensahan ko lang ang sarili ko sa mga maling panghuhusga ninyo. Naaawa lang ako duon sa bata dahil mukhang haggard na haggard na sa tuwing napapanood ko sa t.v. at mukhang nababansot na. puwede naman siyang paputiin, paguwapuhin- pahiran siya ng whitening lotion, dalhin kina dra. vicky belo o dr. manny calayan (pero huwag ooperahan, yung natural process na mga ointments lang) para gumuwapo naman. mahahalata mo ang mukha ng isang batang husto sa tulog- bilog na bilog ang mga mata nito at kumikislap- tulad ng mga mata ni santino. pero ang mga mata ni buboy, lumiliit pang lalo, talagang kulang na yata sa pahinga- kaya naging napakapangit tuloy niya sa paningin ko at tila hindi na rin siya tumataas, nababansot na yata dahil sa overwork?. may masama bang magmalasakit sa isang bata? si buboy ba talaga ang inaalipusta ko sa writeup ko at sa mga tugon ko ngayon? mag-isip ka nga, seven. and read between the lines!

  19. Robert Silverio said“Pagmasdan ninyo maige ang hitsura ng bata, napaka-pangit! Mukhang haggard na haggard na sa pagtatrabaho, napakaitim, halata mong kulang sa tulog at nababansot na!”

    Ano kaya ang tawag sa comment na yan . . . “Napaka-pangit” tsk tsk tsk you’re too much Robert Silverio . . . pwede naman isulat in a nice way pero idiniin pa na “napaka-pangit “

  20. I can’t keep quite about this. Naiintindihan ko na gusto mong maging malusog yung batang tinatawag mong panget ”Pangit” sabi mo mo bansot siya at kulang sa tulog? Right? Ang kailangan niya ay tulog at vitamina at siguro excersize para sa body fit (although sa tingin okay lang naman siya) Pero ang pinagsasabi mong paputiin siya ay hindi ko ma-gets diba normal sa pinoy ang kayumanggi?

    Didiretsahin na kita ha. Yung huling bata ay mukhang pilipinong tunay pero ang nauna ay mukhang taga ibang bansa, sabi nga ng bf ko “he can be a European”
    Ito ang tanong, bakit kailangan pang baguhin ang mukha niya NAHIHIYA KA BA SA LAHI NG PINOY?

    At PS: hindi sa sinasang-ayunan ko si Seven pero sasagot ako sa tanong mo sa kanya. ”may masama bang magmalasakit sa isang bata?” sagot ko: hindi kahanga-hanga ang taong ganyan pero lahat ng panghahamak mo sa bata ay hindi ko makita ang malasakit.

  21. @robert silverio,

    Sangayon ako sa iyong panulat, pero minsan marami rin mga mambabasa dito sa blogs hindi nila nakikita ang tamang pahiwatig ng may akda. laging ang subject ang tinitignan nila sa ulat pero hindi nila nakikita ang puntos ng may akda. true again. pero payo ko sa iyo robert ipagpatuloy mo lang ang iyong panulat, minsan talaga mahirap tanggapin ang katotohanan ng iba. true again.

  22. Tama ka dahil pagnagpunta ka dito sa Phils ay majority (90%) ay katulad ng mukha ni Buboy ang itsura at mga 10% lang ang kagaya ni Santino na nabiyayaan ng magkaroon ng ilang percent ng foriegn blood. Kaya yan pinagsasabi ni Robert Silverio ay pag-aalispusta rin sa katulad nya na siguro ay ganyan din ang itsura nya katulad din ni Buboy.

  23. one thing i’m sure of:

    10 years from now, mas matigas at mas malaki ang tarugo ni buboy compare kay santino. at ikaw robert, maglalaway ka kay buboy. pero hin di ka niya papatulan dahil makunat at nabibitak na sa sobrang tuyo ang pwet mong bakla ka!

  24. maraming salamat, joey matapobre. nuon pa lang isulat ko yan ay alam ko na ang mga mangyayari. na maaaring maging daan din yan ng tuluyan kong pagkawala sa panulat dahil sa mga maiimpluwensyang tao na nuon pa akong nais ibagsak. mga taong pinag-ukulan ko ng pagmamahal, all-out na pakikisama, at panahon. hindi ako kailanman naghangad ng kapalit sa mga naibigay ko at hindi ko rin kailangan ang pagbabalik nila sa akin ng anumang kabutihan. mas nanaiisin ko pang makapiling ang mga estranghero na isang titig lang sa kin, tila alam na ang kabutihan ko. sila pa kadalasan ang nagbibigay sa akin ng ibayong lakas nang loob. i know i have to move-on. gusto ko lang maipakita sa kanila ang katotohanan, ang kanilang kakulangan at ang kanilang karupukan. at hindi ako natatakot sa anumang mawawala sa akin at sa anumang mangyayari. dahil handa na ako nuon pa man. and with this, i rest my case. this will be the last time i will ever write something like that. sa tanang buhay ko bilang isang manunulat, lagi kong pinupuri ang mga artista. isang beses ka lang magsulat ng objective criticism ay masamang-masama ka na. pagtatawanan ka pa ng mga colleagues. i am sure na maraming humahalhak sa akin ngayon at kumukutya. let them be. but one thing i will say to them: balang araw, mas higit pang halakhak ang makukuha ninyo sa harap ng Diyos at mga anghel na hindi magpapasok sa inyo sa buhay na inaasam ninyo.

  25. Tumaas bigla kilay ko ha . . . singing different tune? Si joeymatapobre pa hahahaha magbackread ka para mo malaman ang mga reasoning nya.

  26. @kate, try mo kasing basahin ang katotohanan, agree ako sa sinulat ni robert dahil itong totoo. walang malisya at walang dagdag or bawas sa katotohanan.

    NAKAKA-UNSYAMI naman talaga ang face ni buboy, napanood ko sya dati sa SOP ng sumabay sya sa ibang bata na kasayaw niya mukha syang batang natitinda ng plastic bag sa palengke. at si buboy ang pinakapangit na bata na gumanap na Ding sa lahat ng Darna.

    ang role ni ding sa Darna isang batang mahirap pero hindi pangit. diba.

  27. hindi rin. i dont need to read between the lines. you read your original write up. hindi mo kailangan maging matalinong tao para hindi mo maintindihan na talagang may pang aalipustang ginawa sa original write up.
    admit it, inalipusta mo yung bata.
    on the other hand, sana mag post uli si madam ekla ng isang write up na isinulat mo, trying to tell the reader that the message is this…… and not that….
    Come on, hindi ako mag isa na ganito ang naging impression sa write up. Iba ang message na naconvey namin sa write up. It means may mali talaga sa paraan ng paglalahad ng mensahe. I hope you understand my point.
    Hindi mo kailangan maging matalino para maunawaan mo na iba ang pagkakaunawa ng mga mambabasa sa isinulat mo.

  28. ngeee. hindi mahirap unawain ang mensahe ng manunulat. ang mali ay ang paraan ng pagsusulat nito dahil iba ang nagiging pang unawa ng mambabasa. kung iba iba ang interpretasyon ng mambabasa, may pagkakamali ang manunulat dahil hindi niya naiparating ang angkop na mensahe na gusto niya iparating.
    maaring tama ka na ipagpatuloy niya ang pagsasabi ng kanyang pananaw sa panulat, pero siguraduhin na tama ang magiging pagkakaunawa dito ng tao.

  29. its funny talaga. the writer who is robert silverio keep on defending his piece. how stupid. what if this was in a tabloid o magazine, will he still be able to explain his feebleness? basic journalism i guess states that an article should have a clear data base and can stand on itself , once written it answers all questions and only two-bit-hand-to-mouth-pathetic fools would write and then explain! there is still a CHILD ABUSE clause involved herewith.

  30. I see. Rowing your boat now, so fast a you could? Oh well, I’m done. I’m kind tired of dealing with hipocrites, maybe I won’t visit anymore too. 😉

  31. ang sabi nga eh, opinyun nya yan at natural lamang na karamihan sa atin ay magreact lalo na kung ang tinutumbok ng manunulat ay may kinalaman sa pisikal na anyo ng tao, karamihan sa ating mga pinoy ay madaling masaktan lalo na kung kinukutya ang hitsura, eh ano kung pangit ang importante ay ang kalooban di ba, normal ang maging pangit. kaya nga maraming nagpapaganda at nagpapaputi sa pilipinas kahit walang wala na makabili lang ng pampaganda at pampaputi, kaya nga ano bang produkto ang mabenta sa atin, di ba pampaganda at pampaputi kasi nga marami sa atin ang pangit at gusto natin gumanda at isasama ko na sarili ko. hindi ko sinasabi na pabor ako sa sinabi ni mr. silverio kasi nga nasanay tayo na kailangan ang artista ay maganda, guwapo at presentable…marami sa atin ang napaninawala na pag artista ka ay dapat tisay at tisoy ka kasi napaniwala tayo sa mahabang panahon na ang may karapatan lang na mag artista ay yung maganda at maputi, katulad na lang ng mga artista nong 40’s,50’s,60’s. Magpasalamat na lang tayo at kahit papaano ay marami na ng sumisikat ngayon na talagang mukha ng isang pinoy. naniniwala ako na hindi batayan ang hitsura para sumikat ka bilang artista, higit sa lahat ay may talento ka sa pag-arte at may kaakibat na suwerte.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s