Kung nakikita ko sila sa big screen, mapa-TV man o movie, akala ko sila na ang pinaka-sweet na pareha. Sabi ko epitome sila ng isang perfect loveteam, mapagmahal sa isa’t isa na parang wala nang ibang tao sa paligid, sila lamang.
Medyo, nagulat ako nang isang araw ay nakasabay ko sila sa lobby ng GMA Network. Naghihintay kami ng magdadala sa amin sa set ng Sana Ngayong Pasko. Silang dalawa naman ay hinihintay na makumpleto ang grupo nila na magsasagawa ng isang mall show. Nung paalis na sila ay nakita kong nauna nang lumabas ng building si Aljur at sumakay na ng van samantalang si Kris at ang alalay niya ay hindi magkandatuto sa pagbitbit ng kanilang maraming dalahin.
Ano ba yun?! Bakit parang walang pakialam na iniwan na lamang ng sukat ni Aljur ang babaeng pinaniniwalaan ng mga fans na “the apple of his eyes”? Kung may relasyon sila, dapat gentleman si Aljur to have waited for Kris at si Kris naman should have expected a gentlemanly act from her ka-loveteam. Tulungan man lamang nito siya sa kanyang gamit o kung ayaw man nitong magbuhat ay hintayin siya o alalayan sa pagsakay sa sasakyan, hindi yung nauna pang sumakay sa ka-loveteam.
Dapat ko bang i-conclude na hanggang sa screen lamang ang sweetness nila, that in real life, wala silang pakialaman sa isa’t isa?
veronica samio