MICAH MUÑOZ: “THE OTHER MAN” OF BEN AND SAM!


micah muñoz (image: fb photo)

Hindi pilit ang pag-arte. May lalim ang pagkatao. Malumanay pero tumutusok kung mag-deliver ng mga linya. Intense ang istilo ng pag-arte. Hindi OA. And any kind of a youthful character- naipo-portray niya with such candor and strong presence infront of the movie cameras. Iyan si Micah Muñoz. Ang aktor ng bagong henerasyon.
Magmula nu’ng mapanood siya ng karamihan sa teleseryeng “Prinsesa Ng Banyera”, nagmarka na ang kanyang pagiging isang batang aktor sa karamihan. Ang kakulangan lang nga ay hindi siya gaanong na-promote at nagkaro’n ng publisidad, bigla na lang siyang lumitaw at sa paglitaw niya, marami kaagad ang humanga. Hindi rin siya pinilit. Hindi siya na-overfry. Kusa siyang naluto dahil tunay namang pang-aktor ang dating at estado ng pagiging isang artista niya. Nalaman na lang later on na produkto pala siya ng Repertory Philippines, dahil batang musmos pa lang siya ay umaarte na siya sa mga theater presentations ng nasabing prestigious theater group.
Sumunod, muli siyang napanood sa teleseryeng “Diosa”, sa channel two pa rin. Dito, medyo mas lighter ang kanyang role. Isang young media guy na kaibigan ng Diyosang si Anne Curtis. Mas lalo siyang napansin dahil ang kaguwapuhan naman niya ang nangibabaw sa teleseryeng iyon, hindi tulad sa teleseyeng “Prinsesa Ng Banyera” na medyo deglamourized ang character niya bilang isang miyembro ng sindikato na laging nabubugbog. Sa “diosa”, unti-unti nang pumalaot sa mainstream ang pangalang Micah Munoz. Kaya marami ang nagtaka kung bakit hindi siya ang nakuha para sa mga sumunod pang teleserye ng channel 2 na ukol sa mga kabataan- tulad ng “Boystown” at “Katorse” na mostly, halos kaedad lang ni Micah ang mga nasa cast. Pero para matigil na ang usaping ito, mas mainam sigurong magmove-on na si Micah. Kusang ang takbo ng panahon na lamang ang magsasabing siya ang “mas may karapatan”!
Sa ngayon, bukod sa latest indie film niyang “Bala-Bala” (na isa sa mga naging official entries ng Cinema One Originals Filmfest) na kung saan ay siya na ang main character-bida role sa film, isang  mas markadong papel naman ang gagampanan niya sa indie film na “Ben And Sam”. Magmula kasi nu’ng mapanood siya sa isa pang indie film na “Pisay”, maski cameo role lang siya duon, ay tunay namang nagmarka ang kagalingan niya. Kaya hayan, nasundan na ng nasundan ang paggawa niya ng indie films. At pinaka-latest nga itong “Ben And Sam”, kung saan siya ang gumaganap na kontrabida sa buhay nina Ben at Sam. With that, we can say, he is “the other man” of the indie film Ben And Sam. Meaning, kung may dalawang bida na lalaki, may isang kontrabidang kokontra sa kanila- at yun ay si Micah Munoz.
“You also grow as an actor”, wika pa ni Micah sa movie writer na ito sa last shooting day ng Ben And Sam. “Hindi naman po yung laging papel na mabait ang dapat mong gampanan. Tinanggap ko ang role ko dito sa Ben And Sam para may variety. At hindi ako nagsisi dahil nung kinunan na namin ang mga eksena ko, sobrang natuwa sa akin si direk mark Shandii bacolod. It means, nagawa ko to the max ang hinihiling ng role ko.”
Si Micah kasi ang papatay sa isa kina Ben And Sam sa pelikula. Papel ng isang “homophobic” guy ang ginampanan niya sa movie. At bale sa karakter ni Micah magkakaroon ng matinding mga conflicts sa pelikula. Pero sorry na lang, walang eksenang maghuhubad si Micah sa pelikula. Hindi pa siya ready sa ganon dahil may baby fats pa siya. Tanging sina Ben at Sam, at ang isa pang aktor na si Ace Ricafort ang may mga sexy scenes dito.
Better watch out for this actor, Micah Munoz. He is destined to become one of our major movie actors in the future.

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s