AURORA SEVILLA, TIMBOG SA DROGA


Dala marahil sa labis na pangangailangan sa buhay o anupamang dahilan, nahulihan ng katamtamang daming SHABU ang dating artista at beauty titlist na si AURORA SEVILLA kagabi.  Ayon sa balita ng DZMM , nasabat sa may hangganan ng Mandaluyong at Sta. Ana , Manila ang dating aktres habang nagbebenta ng nasabing droga.  Nakakulong siya ngayon sa Mandaluyong City Jail. Dagdag pa ng report, matagal na rin nilang minamanmanan ng pulis Mandaluyong si Aurora.  Nahulihan siya ng halos limang gramo (raw) na ibinenta at nakuhanan din ng .29 grams sa bulsa.

Ilang buwan na ang nakararaan, na-feature si Aurora sa ‘WISH KO LANG’ ng GMA7.  Binigyan nga rin siya ng pagkakataong makasama sa isang afternoon soap.  Marami ring natanggap na kung anu-anong tulong ang kanyang dalawang anak.  Iyak siya nang iyak dun at pasalamat nang pasalamat sa lahat ng tulong.  Malamang naghanap lang siya nun ng puhunan. Droga pala ang negosyo nya. Tsk. Tsk.

addl link mula sa GMA news:

http://www.gmanews.tv/video/51641/ex-actress-aurora-sevilla-caught-selling-illegal-drugs-in-mandaluyong

EklaVumer

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s