DINGDONG DANTES : READY FOR THE FEUD!


Handang-handa na si Dingdong Dantes na maging host ng Family Feud simula sa araw na ito. Matagal din niyang pinaghandaan ito. Pinanood niya ang mga episodes na nagtatampok kay Richard Gomez.

“But I can not fill in the shoes of Richard Gomez na nag-click bilang host ng local version ng Family Feud. Iba siya at iba naman ako. In fact, sa dry run nito ay ginaya ko yung panghahalik sa mga contestants na ginagawa niya, pero sa actual taping ng pilot show nito ay tinubuan ako ng hiya, hindi ko nagawa, siguro dahil pawang mga celebrities ang contestants,” pahayag niya.

Inamin ng actor na lighter ang trabaho niya sa Family Feud compared sa StarStruck, nagiging mahirap lamang ito dahil nag-iisa siya. Sa reality-based artista search ay may dalawa pa siyang co-host.

Nang may magtanong kung tatanggapin din ba niya ang pagiging-host ng Survivor dahil ang host nito na si Paolo Bediones ay on leave sa GMA 7. Hindi agad nakasagot si Dingdong.

“Hindi siguro dahil one week lang ako mawala dito (sa Pilipinas) ay nalulungkot na ako, marami na akong nami-miss, yun pa kayang mawala ako ng mahigit sa isang buwan,” sabi niya.

Ang isa ba sa mami-miss niya ay si Marian Rivera?

“Oo naman. Second Christmas na namin ito,” sagot niya.

veronica samio

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s