“COCO MARTIN’S NUDE PICS? TRABAHO LANG YON”- MAJA SALVADOR


WALANG nakikitang problema si Maja Salvador kung manligaw sa kanya si Coco Martin. Tatanggapin daw niya ang panliligaw nito, lalo na at makikita niyang seryoso ito sa kanya.

Kuwento ni Maja, sa taping daw ng Nagsimula sa Puso ay ramdam niyang inaalagaan siya ni Coco.

“Minsan, kapag ayaw kong kumain, inaabutan na lang niya ako ng saging. Ramdam ko na inaalagaan talaga niya ako,” kuwento ni Maja.

Pero, alam daw ni Maja na ayaw magpa-pressure ni Coco sa mga tao sa paligid nila na ligawan na siya. Pero, nahuhuli raw niya si Coco na gustung-gusto nito na pag-usapan ang tungkol sa mga isyu sa kanilang dalawa.
Hanga si Maja sa kabaitan ni Coco. Pero, itinanggi niya na nag-date na sila.

Tinanong namin si Maja kung hindi ba magiging problema sa kanya ang mga nagkalat na nude pictures ni Coco sa internet, na hango sa pelikulang Serbis.

“Ang sabi ko nga, kung paano ko nakilala si Coco, doon na lang. Ginawa lang niya ang trabaho niya. Aktor siya at wala akong magagawa. Hindi naman porke naghubad na siya, ayoko na siyang makatrabaho. Respeto lang, kasi hindi naman niya ako binabastos.”

Pero, inamin ni Maja na wala pa raw siyang nakikita na nude pictures ni Coco. At napatili siya nung tanungin ko kung gusto ba niyang makita ang hubad na larawan ni Coco.

Anyway, kung magkakaroon daw siya ng time, gusto niyang mapanood ang Serbis. Pero, dapat daw ay si Coco mismo ang magbigay ng kopya ng DVD sa kanya.

Samantala, nilinaw ni Maja ang akusasyon na mahilig siyang magpaasa ng mga lalaki. Na kapag nahuhumaling na raw sa kanya ang lalaki ay ibinabasura na niya.

“Hindi po ako ganun! Ang mga lalaki ang tanu­ngin niyo kung ganun nga ako. Ang nakikita lang kasi nila ay ‘yung sa side ko, na ako ang babae, at puwedeng mambasted. Tahimik lang sila. Alangan namang sabihin nila na ‘oo, nabasted ako’!” say ni Maja.

Siyanga pala, si Maja ang bida sa episode na Diablo ng Shake, Rattle & Roll 11 ng Regal Entertainment.

rey pumaloy

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s