chavit singson , nagpahiwatig ng ‘trouble in paradise’ ang relasyong jinkee-manny!


MARAMI ANG NAKAPANOOD ng pilot episode ng The Bottomline with Boy Abunda noong Sabado ng gabi sa ABS-CBN. Sari-sari ang reaksiyong nakuha namin, karamihan ay magagandang feedback. Promising daw angnaturang show at kakaiba sa mga ginagawang interviews ni Boy Abunda sa kanyang existing shows na SNN (Showbiz News Ngayon) at The Buzz.

Sabi ng ilang nakapanood, mas matapang at walang pa-cute ang mga tanong ni Boy sa naturang show. At ang ikinaganda pa nito, ang ilang mga tanong ay nanggaling mismo sa mga common tao na mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. May estudyante, may guro, may doktor, may driver at iba pa.

Nagulat ang lahat sa mga naging rebelasyon ni Chavit sa The Bottomline. Umiwas nga lang ito sa tanong kung totoong pinukpok ba niya ang ari ng boyfriend ni Che Tiongson, ang dati nitong kinakasama. Pero inamin naman niyang gusto raw niyang putulin ang “private part” ng naturang lalaki pero naawa raw ito dahil wala namang puputulin. Nakakatawa ang komentong iyon ni Chavit, pero mas nagulat ang lahat sa mga naging komento nito nang tanungin na siya tungkol kay Pacquiao. Ang naging dating ng mga sagot ni Chavit ay parang nilaglag nito si Manny na may nangyari ngang hindi maganda sa pagitan nila ni Jinkee, ayon na rin sa mga Bottomliners.

Hindi man diretsahang inamin ni Chavit na may naging problema nga sina Manny at Jinkee, pinayuhan naman nito ang kanyang kaibigan na ‘wag iwanan ang kanyang isawa at isalba ang kanilang relasyon. Hindi rin isiniwalat ni Chavit ang kanyang mga napapanalunang premyo sa mga pustahan tuwing lalaban si Pacquiao. Pero sinabi niyang malaki talaga, ang balita pa namin may milyones daw ito.

Nilinaw raw ni Governor Chavit na hindi niya girlfriend ang kakambal ni Jinkee na si Jennifer. Bali-balita kasing mag-dyowa raw ang dalawa, na pinabulaanan naman ni Gob. Siya pa raw mismo ang nagpakilala kay Jennifer sa boyfriend nitong si Joaquin na foreigner! Aba, foreigner?! Bongga ha, ibang level din pala itong si Jennifer! Sa madaling salita, loveless daw ngayon si Chavit!

Kung game na game si Chavit sa pagsagot, maging game din kaya si Senator Kiko Pangilinan sa kanyang pag-upo at pagsagot sa mga matitinding tanong ng mga Bottomliners sa susunod na Sabado. Ang mga nakakagigil na tanong na gusto nating itanong kay Kiko, maitatanong na namin sa darating na episode 2 ng The Bottomline.

Kami mismo ay hindi makapaniwala sa mga naitanong namin kay Senator Kiko at mas maloloka kayo sa mga naging sagot niya! Mapapanood ang The Bottomline with Boy Abunda tuwing Sabado, pagkatapos ng Banana Split.

pinoy parazzi

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s