BONG REVILLA on ROSSANA ROCES : ‘ DEDMA ‘


NAG-FILE na si Lani Mercado ng kandidatura bilang congresswoman ng lone district of Bacoo­r sa Cavite nu’ng Sabado nang umaga.
Bukas ay si Sen. Bong Revilla ang magpa-file ng COC na muling tatakbo bilang senador.
Malaki ang pasasa­lamat ni Sen. Bong sa desisyon ng Supreme Court na kahit nakapag-file na ng candidacy ang isang artista ay puwede pa rin itong lumabas basta hindi pa campaign period.
Tuloy ang showing ng entry niya sa Metro Manila Film Festival 2009 na Ang Panday ng GMA Films at Imus Productions.
“Natutuwa talaga ako dahil dininig ng Panginoon ang ating dasal na maipalabas ang Panday, at desisyon na ito ng Supreme Court.
“Kaya masaya, magandang regalo ito sa mga bata dahil kapag nakita mo ang pelikula, masasabi mo na nakakatuwa, nakakalaki ng puso na kaya na na­ting gumawa ng ganitong klaseng pelikula,” pahayag ni Sen. Bong.
Masaya niyang in-announce na tuloy pa rin siya sa Kap’s Amazing Stories at mapapanood pa siya sa edu­cational show na iyun hanggang Pebrero 2010.
Ang isa pang ikinagalak ni Sen. Bong ay ang desis­yon ng PRC (Professional Regulation Commission) na i-revoke ang lisensya ni Hayden Kho Jr. bilang doktor.
Isa ito sa ipinaglaban niya para kay Katrina Halili na kailangang mabigyan ng hustisya sa ginawa ni Hayden.
“Ito’y laban ng mga kababaihan, ng mga binaboy ni Hayden. Sana, ito’y magsilbing leksyon para sa lahat, hindi lamang kay Hayden dahil katulad niyan, naipasa na rin natin ‘yung Anti-Voyeurism Bill sa Senado, sa Kongreso, nagkaroon ng Bicam at inaantay na lang diyan ang pirma ng Pangulo,” patuloy ni Sen. Bong.
Pinupursige ni Sen. Bong na dapat ipagpatuloy ni Katrina ang pagsampa ng kaso laban kay Hayden.
“Iyung criminal case na naka­sampa ngayon kay Hayden, napaka-solid ng ebidensya laban sa kanya. So, hindi rin siya makakalabas du’n.
“Ang pinaka-lesson lang kasi rito, ayaw na na­ting maulit pa ‘yung mga ganu’ng klaseng insidente na mababoy muli ang kababaihan lalo na ngayong may mga cellphone, mga high-tech na gamit.
“With this law, medyo matatakot na silang gawin ‘yun para maala­r­ma ang lahat,” lahad ni Sen. Bong.
Iniiwasan niyang patulan pa ang mga huling sinabi ni Rosanna Roces.
Patuloy pa ring nanggugulo si Rosanna dahil gusto lang nitong kunin ang kanilang apo na si Gab.
“Para sa akin, wala namang problema ‘yun. Kung gusto niyang hiramin si Gab, basta’t siyempre sa pagkakaintindihan nina Jolo at Grace, walang problema sa amin iyun.
“Hindi namin ipinagdadamot ‘yung bata,” sagot ni Sen. Bong.
Ayaw na niyang sagutin ang ilang pahayag ni Rosanna na hindi na dapat patulan.
“Ayaw namin ng away. Basta ang importante eh, lalo na magpa-Pasko, maganda yan, ‘masaya tayong lahat,” pagtatapos na pahayag ni Sen. Bong.

abu tilamsik

One comment on “BONG REVILLA on ROSSANA ROCES : ‘ DEDMA ‘

  1. senator bong, gawin mo naman trabaho mo sa senado. puro ka na lang showbiz! huli kang nagsalita sa senado hayden kho pa isyu mo. wala na bang ibang mas may katuturan yung tipong mapapakinabangan ng mga tulad kong botante?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s