blind item : pasaway na sexy newcomer


Binigyan ng malaking sakit ng ulo ng sexy new­comer na ito ang talent center ng network kung saan siya nakakontrata. Kumikilos ito nang hindi nagpa­paalam sa humahawak sa career niya. Nang may kumuha for a show sa Guam, diretso sa SN (sexy newcomer) at ipinaalam na lang nang paalis na siya.

Gusto niya ay ibang tao ang isama sa Guam at nang hindi pumwede ang nire-request, ang naka-assign sa kanyang handler ang nakasama. Trinato nitong kasambahay ang handler dahil trabaho aniya nitong pagsilbihan siya.

Sa show niya sa bar, nagpa-pass the hat si SN, fund daw for her recording. Tumigil lang ito nang patigilin ng owner ng bar na napahiya sa ginawa ni SN. Heto pa, nag-extend siya ng stay sa Guam kahit ayaw ng handler at sa inis sa handler, iniwan ito’t mabuti na lang at pinatira ng owner ng bar sa kanyang bahay. Laging panakot ni SN ay ang bossing ng network na kakampi niya at isusumbong daw niya ang mga taga-talent center at ang handler.

Pagbalik ng ’Pinas ni SN, sumulat sa top man ng net­work at isinumbong ang handler dahil ibinubugaw daw siya sa Guam. Nang pagharapin ang dalawa, lumabas na nagsisinungaling si SN at walang bugawang nangyari.

Sa second letter nito sa top man ng network, hin­di na siya ibinugaw, pinagtulungan na lang umano siya ng mga taga-talent center. Hinihintay pa ang desisyon ng bossing sa kaso ni SN, pero kung ang mga taga-talent center lang ang masusunod, gusto nilang i-release na ito at may nagsa-suggest namang idemanda ng breach of contract o kaya’y i-freeze ang career.

Dinagdagan pa ni SN ang kapalpakan nang pumunta sa office ng talent center na may dalang dollar bill at iwina­wa­gayway sa staff, pero walang nagkainteres na humingi sa hawak niyang dollars at deadma sa kanya ang staff.

Kasama ni SN na pumunta sa office ng talent center ang BF na galit din at ano raw bang klaseng office ’yun? Hin­di naman nito alam ang buong istorya sa gulong pinasok ng GF, todo react. Tapos palalabasin ng dalawa na “friends” lang sila. Hay, naku!

nitz miralles

 

One comment on “blind item : pasaway na sexy newcomer

  1. duda ko si krissa mae ito … nagpunta yan dito sa guam at maraming chismis na nagsosolicit daw ng pera. hindi naman siya sikat.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s