alfie lorenzo : Sarah, lulubog agad kay Piolo


PANGARAP daw ni Sa­rah Geronimo na makapareha ang Papa Piolo ko.
At this stage of her career na blockbusters ang mga concert niya at pati mga pelikula niya ay nagbigay sa kanya ng “not once, but twice” na box-office queen, ano pa ang habol ni Sarah sa papa ko?

Uhummm, if I know may gusto kang tuklasin, lokah kah! Kasi, na-rate (hindi r-a-p-e, ha!) mo na si John Lloyd Cruz nang dalawang beses kaya curious ka naman sa taong binibigyan ng importansya pero hindi naman naibabalik ang importansyang ‘yun, ‘di kaya?

Kung baguhan sana si Sarah at star-gazing pa, I would understand her statement sa press.

Like all the rest who never made it, sina Aga Muhlach at Richard Gomez ang pangarap na makatambal ng gustong maging bida sa pelikula at feeling sikat na rin sila, where it used to be, where before Aga & Goma made it, it used to be a choice between Al Tantay & Lloyd Samartino, Gabby & William.

Hindi mo kailangan si Piolo, Sarah. Si Piolo ang may kailangan sa iyo ngayon — very badly!

Kaya hintayin mo na lang ang good words niya para sa iyo and compare them to all the binokayong mga salita na pinakawalan niya sa lahat ng mga nakatambal na niya, except Juday!

Oras na makatambal ka ni Piolo, asahan mong lulubog ka na, Sarah! Mas mapapadali pa ang paglubog mo!

Check mo na lang ang mga nakapareha ni Piolo in the past na sinungkit niyang makatambal na akala niya eh magagamit niyang tuntungan.

Where is Angel Locsin now? Noong si Richard Gutierrez ang kapareha ni KC Concepcion, sumikat si KC. I cannot say the same now that Piolo is KC’s partner in Losers in Paris!

Mabuti na lang at nakikinig ka sa nagpapalakad ng career mo, iha. Huwag kang tutulad sa mga 90% ng mga nasa showbiz na akala, sa pagkakaroon ng lalake ang kaligayahan sa showbiz, kaya ang daming ginagawang hunting grounds ang showbiz.

Panlalalake o pamba­babae ang inaakala ng marami na paraan sa madaling pagsikat. Ganoon ba kadali umak­yat sa stairway to heaven?

Madalas kong ipangaral sa mga naging alaga ko na career muna ang pagbuhusan ng panahon to survive.

Pag sumikat ka na at marami ka nang raket, natural lang na kumikita ka na, puwede mo nang buhayin ang pamilya mo at matupad ang iba pang mga pangarap mo.

At kapag sikat ka na, gaano ka man kapangit o kataba, pipilahan ka ng mga lalakeng mapagsamantala at naghahangad na magamit ka.

Iyung mga wala nang ginawa kundi magpalit-palit ng lalake hanggang sa lumaki lang ang suso, at never ang pa­ngalan nila, subsob sila sa pagkakadapa and anonymity. Si Juday lang yata ang nakinig.

Sumikat muna si Juday bago niya pinili ang lala­king makakasama niya habang buhay. Pag nasa itaas ka na, wala nang makakatibag sa kinatutuntungan mo kundi ikaw rin. Kung aalagaan mo ang pundasyon mo, magtatagal ka sa itaas.

Nakikita ko sa iyo, Sarah, ang landas na tinahak din ni Juday.

Pareho kayong nagsimula sa pasimple pero ngayon ay patungo ka na sa pagiging outstanding beauty. Pati ako ay napapahanga na ng malaki na ang iginandang Sarah Geronimo.

Now I am very certain patungo ka na sa nilandas na tagumpay ni Juday.

Kaya pagsabihan mo ang mga lalakeng ‘yan na tumabi-tabi muna sila, tsupi muna sa kanila dahil patungo ka pa sa mas malawak na tagumpay at marami ka pang aanihin!

No BF muna, ha — best friends, puwede; boyfriends, hindi puwede! Keep that in mind!

alfie lorenzo/abante tonite

By eklavumer Posted in kolum

One comment on “alfie lorenzo : Sarah, lulubog agad kay Piolo

  1. i agree with alfie’s advice, you are at the peak of your career, enjoy it and savor it, minsan lang dumarating ang ganyang success sa dinami dami ng nag aartista, kaya dapat ma-maintain mo ang success na yan…saka na ang boys nandyan lang yan ang pagsikat ay minsan lang yan darating sa buhay mo…kaya keep it up and more success will come your way.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s