jude matthew, new kid tv singing sensation!


HINDI natuloy ang pagpunta namin sa celebrity premiere ng This Is It dahil hinintay namin ang pagkanta ni Jude Matthew Servilla, ang 12-year old?Birit Baby 2009 winner ng Eat Bulaga.
Magkasabay ang celebrity premiere ng pelikula ni Michael Jackson at ang solo interview kay Jude Matthew noong Miyerkules.
Pinili namin na maki­pag-usap sa next important star ng Eat Bu­laga dahil sa?makulay na kuwento ng kanyang buhay. Gusto rin namin na mapanood ang kanyang pagkanta.
Nakatira sa La Carlota, Negros Occidental ang pamilya ni Jude Matthew.

Nagbago ang takbo ng kanilang buhay mula nang manalo siya sa Birit Baby contest ng Eat Bulaga.
Nakatira na ngayon si Jude, kasama ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid sa isang hotel sa Quezon City, habang inihahanda ng TAPE Inc. ang condominium unit sa San Juan na lilipatan nila.
Sagot ng TAPE Inc. ang lahat ng gastos?ng Servilla family. Ang TAPE Inc. ang producer ng Eat Bulaga.

***

Mahirap ang buhay ng mga Servilla sa La Carlota. Nakatira sila sa isang bahay na yari sa kawa­yan at pawid. Abot sa leeg ang tubig sa tuwing bumabaha sa kanilang lugar.
De-pagpag ang black and white television ng mga Servilla. Kapag sinabing de-pagpag, kailangan pukpukin ang mag­kabilang gilid ng TV set para lumabas ang image ng mga tao?sa TV screen.
Sa kuwento ni Jude Matthew, nakakatikim sila ng Jollibee products, minsan sa isang taon at nangyayari ito kapag umuuwi sa kanilang probinsya ang isang kamag-anak na OFW.
Nalaman ni Jude Matthew ang Birit Baby contest ng Eat Bulaga nang pumunta sila ng kanyang ina sa isang pista. Cable subscriber ang may-ari ng bahay na kanilang pinuntahan kaya malinaw ang TV reception ng sikat na noontime show.
Nagkasundo ang mag-ina na subukan ang kanilang kapalaran. Nanghiram sila ng P1,200 para may pamasahe sila sa barko at makasali sa audition ng Birit Baby.
Hindi nasayang ang pakikipagsapalaran nila dahil si Jude Matthew ang tinanghal na champion sa Birit Baby. Siya rin ang tumanggap ng viewer’s choice award.
Iyak nang iyak si Jude Matthew nang tawagin ang kanyang pangalan bilang winner ng contest. Naka-post sa Youtube ang?kanyang mga performance sa Eat Bulaga.
Mahusay magpaiyak si Jude Matthew. Punumpuno ng emosyon ang pagkanta niya at kahit paulit-ulit na panoorin sa Youtube ang pag-awit niya, hindi pa rin mapi­gilan ng mga manonood ang mapaluha.
In fact, isang kaibigan na female columnist ang napaiyak habang kinakanta ni Jude Matthew ang Hanggang, ang kanyang winning song na pinasikat noon ni Wency Cornejo.
***
Nakakatuwa ang kasimplehan ni Jude Matthew at ng kanyang magulang. Ilang buwan na silang nakatira sa Quezon City pero hindi pa nararating ni Jude Matthew ang Manila Ocean Park at Manila Zoo.
Hindi niya alam ang itsura ng Luneta Park. Isang mall pa lamang ang kanyang napupuntahan dahil dito siya bumili ng bagong sapatos.
Ang magkaroon ng bagong sapatos ang simpleng pa­ngarap ni Jude dahil hiram ang ginamit niya nang sumali siya sa contest ng Eat Bulaga.
***
“Kung ano po ang ibibigay ni God,” ang madalas na sagot ni Jude Matthew sa mga tanong sa kanya ng mga reporter.
“Kung ano po ang ibibigay ni God,” ang kanyang sagot?sa tanong kung gusto ba niya na maging sikat na sikat na singer.
“Kung ano po ang ibibigay ni God,” ang sagot ni Jude Matthew sa tanong kung gusto rin niya na ma­ging artista.
Nang itanong namin ang pangalan ng kanyang manager, sandaling nag-isip si Jude at sumagot ng “Ahh, si ano po, si Miss Malou…. Fagar.”
Walang kamalay-malay si Jude na si Malou Fagar ang babae na katabi niya sa upuan dahil hindi pa sila perso­nal na magkakilala kaya napatawa ang lahat.

jojo gabinete/abante

2 comments on “jude matthew, new kid tv singing sensation!

  1. napapaiyak ako tuwing napapanood ko siyang kumakanta sa eatbulaga… ang ganda kasi ng boses nya, pero pag naisip ko na ilang buwan na lang at mag-iiba na ang kanyang boses, lalo akong napapaiyak… mawawalan na kasi siya ng raket…. huhuhu…

  2. if Eat bulaga want JUDE MATTHEW to be famous singer, here’s suggestions: (paging Ms. Malou Fagar)
    1. screen name should be jude matthew (delete servilla)
    2. long hair of jude should be back,as seen in birit grand finals
    3. upcoming album should be done immediately, because of the jude’s rendition of hanggang is famous & talk of the town , it will be from Universal or bmg or sony records, they produced platinum records , it will be sold by jude himself like allan k selling his album in zircoh & fans will be liked to see jude & autograph to the sold albums, tracks are half-originals in tagalog & english by vehnee saturno & half-revivals-english from songs from d heart, play it to top-rated tv & radio shows

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s