blind itemS : ‘tuyot na adonis for hire’ doubled with ‘abortion abroad’


For hire daw ang isang beteranong aktor dahil sa kawalan ng datung. Ang tanong, may magkakagusto pa ba sa kanya eh ang dungis-dungis na ng kanyang itsura?

Naging pabaya sa katawan ang aktor at ito ang resulta ng paggamit niya ng illegal drugs.

Kung naging masinop noon ang aktor sa kanyang kabuhayan, hindi niya mararanasan na maghirap. Sa itsura niya ngayon, walang mag-aakala na nagbibida siya sa mga pelikula noong araw.

Napakapangit talaga ng epekto ng illegal drugs, sinisira na nito ang buhay, winawasak pa ang wastong pag-iisip. Hindi ko tuloy magawa na makisimpatiya sa aktor na natsitsismis na for hire!

lolit solis/psn

at isa pa…

OLACHIKKA! NGAYON AY another pitik-bulag na naman ang ibibigay ko mga kafatid. Ito ay isang sikat na aktres na kapareha nu’ng blind item namin the other day. Nagpalaglag! Pero hindi ito sa ating bansa nagpa-abort, huh! Naloka rin kayo, ‘no?

Sino ba naman ang mag-aakala na sa mala-anghel na mukha ng hitad na aktres na ito ay magagawa niyang magpalaglag ng sanggol sa kanyang sinapupunan. Kawawang bata.

Hindi kaya nakokonsensya itong sikat na aktres na ito sa mga ginagawa niyang kabaluktutan sa buhay dahil ang tsika sa akin ng aking Parazzi Girl na mismong malapit din kay aktres, kaya pala nagpunta itong si aktres sa abroad at sinabi niyang doon daw siya nag-aral ng ilang buwan ay upang mahasa ang kanyang talento pagdating sa negosyo, huh! Maaga pa lang ay may clue na, ha! Pero nagkamali ang lahat.

// <![CDATA[// // <![CDATA[//

Kaya pala nawala si aktres na ito ay dahil doon pala ito nagpalaglag kuning-kuning. Ang tsika, hindi tinuloy ni aktres ang kanyang pagdadalantao dahil hindi na raw sila magkasundo ng kanyang boyfriend na artista rin.

Hmmmm..  medyo hindi raw nagkakaunawaan ang dalawa  kaya nagdesisyon na lang ito na magpalaglag, tsk,tsk,tsk.  Nakakaloka talaga si aktres pero mga kafatid, ‘di ba’t may kasabihan na walang lihim na hindi mabubunyag?

Kaya siguradong  maloloka itong aktres na ito kapag nabasa niya ang pitik-bulag ko na ito.

Naku,  hindi na kailangan ng clue dahil bigay na bigay na, ‘no!

May letter “Z” naman sa pangalan ang boylet na nakabuntis kay aktres. ‘Yun na!

tita swarding/pinoy parazzi

One comment on “blind itemS : ‘tuyot na adonis for hire’ doubled with ‘abortion abroad’

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s