TOMBOY, DEDBOL SA GANG RAPE!


LOS BAÑOS LAGUNA – Hinihinalang pinagsamantalahan muna bago brutal na pinaslang ng hindi nakikilalang mga salarin ang isang 32-anyos tomboy sa loob ng pinaglilingkuran niyang binggohan sa Bgy. Mayondon, bayan ng Los Baños sa lalawigang ito kahapon ng umaga.

Base sa inisyal na ulat ni Supt. Chito Bersaluna, hepe ng pulisya ng bayang ito,  kay Laguna PNP Provincial director, Sr. Supt. Manolito Labrador, kinilala ang biktimang si Maribel “Mabel” Marasigan, peryante, at residente ng Candelaria, Quezon.

Ang biktima ay natuklasang tadtad ng sugat sa mukha, ulo at katawan mula sa patalim na ginamit ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alaindelon Ignacio, huling nakitang buhay ang biktima dakong 6 a.m. sa labas ng binggohan ngunit makalipas lamang ang dalawang oras, nadiskobre ang kanyang bangkay sa loob nito.

Isa namang tricycle driver ang inimbitahan ng pulisya na sinasabing maaaring maging testigo sa krimen.

Samantala, bago naganap ang insidente, may dalawang babaeng nakaaway ang biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.

By eklavumer Posted in balita

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s