“vicki at hayden kung saan-saang hotel nagche-check-in” – alfie lorenzo


vickibeloNATATAWA na lang ako sa mga nagsasabi, nagri-report at nagtatanong/nagtataka kung nagbalikan na raw ba sina Hayden Kho at Vicki Belo? Gosh abelgosh! At kelan naman kaya nag-break o naghiwalay ang dalawa?
Hindi ba nga nung kasagsagan ng Hayden sex video ay nabalita pang niregaluhan pa ng bagung-bago at branded car? Nagregalo pa si Belo samantalang kumalat naman na naglulumuhod pa kuno si Hayden Kho para patawarin siya ni Belo. Anoh bah?
At ako naman na madalas magmarunong eh sinabing tahasan na hindi maghihiwalay ang dalawa — dahil wala nang iibig pa kay Belo na mas bata at kasing guwapo at kasing dakota (?) ni Hayden, so why give up the ship?
Kung sinasabi man na si Vicki Belo ang nagpakalat ng sex video ni Hayden — ‘yun ay para ipamukha kay Katrina Halili na mas mahaba ang buhok ni Belo kahit walang belo na nakapatong sa nakalugay na buhok ni Vicki, kaya siya ang mas pinili ni Hayden!
Sinabi ko rin noon na walang mangyayari sa moro-moro na palabas kahit na nagkalat pa sa lahat ng kalye ang piniratang video at exposure lang kay papa Adel Tamano ‘yung woman versus woman na kasong hawak niya.

Oh, may nangyari ba nga?
Ngayong may mga nagri-report na nakikita kung saan-saang hotel na nagtsi-check-in pa sina Hayden at Belo, hindi ba nga proud pa si Victoria — kasi nga sa dami ng mga nakapanood na sa sex styles ni Hayden Kho — hindi nga ba ang daming naiinggit na kababaihan kay Vicki Belo, kasi natitikman niya ang lahat ng strokes ni Hayden sa sex and more perhaps?

Well, kayo na ang maging kasing-tanyag at kasing-yaman ni Donya Victoria if you cannot buy your own happiness, noh!
The moral lesson here is — huwag basta maniniwala sa mga bali-balita, ha!

Magkaroon ng sariling imbestigasyon!

***

Heto pa ang isang kabalbalan. Kapwa artista nag-eendorso ng pelikula ng kapwa artista?! Ha? Kelan naman naging effective ang endorsement ng isang artista tungkol sa mismong pelikula niya o ng kapwa niya artista?

Isang malaking kabalbalan ‘yang promo slant ng Star Cinema lalo pa at sa isang gay film na wala namang direct understanding ang mga nagpapakawala ng mga papuri at sobrang praise releases!
Dapat maintindihan ng isang artistang nagsasalita sa harap ng mikropono ng nakatutok na TV camera na nalalagay sila sa ala­nganin dahil sa scripted na sinasabi nila.
Unang-una, sinasabi ng endorser na maganda ang pelikula. Anong nalalaman ng isang artista tungkol sa maganda at pangit na pelikula?

Natural lang na maganda ang sasabihin mo sa harap ng TV camera.

Alangan namang sabihin mong “ang pangit ng pelikula, parang walang nagdirek!” o ‘di kaya ay “wala namang bago sa akting ni Vilma Santos, puro sigawan pa rin at akting na pasigaw!” (unlike Nora Aunor nga na mata lang ang pagalawin niya effective acting na!).
Pangalawa, sariling pelikula na nga ng ibang artista ang pinu-promote nila like, “panoorin po ninyo, magandang pelikula po ito, may aral kayong mapupulot” — eh may naniwala naman ba sa paeklay ng artista para panoorin ang movie nila na madalas — sila mismo hindi pa napapanood ang kabuuan ng pelikula, pero kung magsalita sila akala mo eh mga jurors ng Filmfest na alam kung ano ang good acting at bad acting!
Pangatlo, bakit pumapayag silang mang-uto sa publiko? Papaano kung mapanood ng ilang naniwala sa endorsements nila at napangitan sa napanood nila, papaano pa nila mapapaniwala ang publiko pag sariling pelikula na nila ang sasabihin nilang “pang-award, super-ganda”?
Mabuti pa kung puro mga bakla na lang ang pinag-endorse sa gay film na “In My Life” mas magiging effective pa at baka kumita man lang kahit kalahati ng nalustay na budget ng movie itong kalandian sa New York City, noh!
Ngayong araw na ito ang opening day ng “In My Life”. Heto kami at tumutulong pa sa promo ng movie. Tingnan natin kung may tao sa mga sinehan. Hindi kaya puro tilian lang ang maganap sa loob ng sinehan? O baka mauwi lang sa hantingan ng bakla at lalake? Wow, sana itong gay film na “In My Life” ang maging daan para ang mga SM cinemas ay ma­ging venue na rin for sho­wing ng mga gay films na likha ng indie produ­cers, huh! Ewan ko, sa festivals abroad nabibigyan ng awards ang mga gay films — bakit sa Pilipinas hindi pinapanood ng karamihan ang ganoong tema?

alfie lorenzo/abante

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s