claudine barretto : lipat-bakod blues?


claudinebBALITANG balak daw ni Claudine Barretto na lumipat sa Siete. Naturingan daw siyang Drama Princess sa Dos pero wala naman siyang project at ‘yung huling project niya sa Dos na kasama niya sina Diether Ocampo at Gabby Concepcion eh, isang taon na yata ang nakalipas.

Aba’y dapat nga naman siyang maalarma at dapat talaga siyang mag-decide. Pero teka, baka naman hinahanapan lang ng tamang project itong si Claudine. Eh, hindi naman kasi basta-basta lang itong si Claudine ‘no, kailangan talaga ‘yung project na nababagay sa kanya.

Eh, kapag nasa Siete ba siya, Drama Princess pa rin ba ang tawag sa kanya? Naku, ang dami nang naprinse-prinsesahan d’yan, baka hindi rin siya mapansin. Pag-isipang mabuti, mahirap nang magsisi sa huli!

timmy basil/hataw

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s