robin padilla ‘NO’ sa relasyong queenie at pj!


pjqueenieMUKHANG hindi pa handa si Robin Padilla na magkaroon ng boyfriend ang kanyang panganay na si Queenie Padilla. Sa panayam kay Binoe, inamin nito na may manliligaw ang kanyang pa­nganay na si Queenie at ito ay ang singer-TV host na si PJ Valerio. In fairness naman daw sa bata ay dinadalaw nito si Queenie sa kanilang bahay at matino naman daw itong makiharap sa kanilang lahat.
Pero sa saloobin ni Binoe ay parang hindi pa siya payag na magkaroon ng boyfriend si Queenie dahil ayon sa kanilang relihiyon, hindi na puwede ang magka-boyfriend kundi diretso na sa pagpapakasal ang nangyayari.
“Yun naman talaga ang nakasulat, eh, kaya iyon ang gusto naming sundin. Alam ‘yan ni Queenie at alam kong maliliwanagan siya sa gusto naming iparating sa kanya.
“Walang problema kung makipagkaibigan siya. Normal lang ‘yon. Pero ang makipag-boyfriend pa… ‘yun ang malabo dahil hindi na puwede ang gano’n sa amin. Kasalan na agad ang dapat,” paliwanag ni Robin.
May nakapagsabi nga na nakipagkasundo na si Binoe sa isang pamilya sa Mindanao at sa pa­nganay na anak nitong lalake nakatakdang ikasal si Queenie.
Pero mukhang hindi pa nga raw handa si Queenie na mag-asawa dahil marami pa raw itong gustong gawin. Gusto nitong mag-artista at maging singer, na payag naman si Binoe. Ang pakikipagrelasyon lang daw nito kay PJ ang siyang tinututulan ni Binoe na gawin ni Queenie.

abante

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s