dingdong & marian : powertripping lovers?


madongKABI-KABILA na ang mga istoryang may mga taong napeperhuwisyo dahil nga sobrang nang attitude problem ng magdyowang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Una nang napagbintangan si Marian sa naging kaso ni Katrina Halili na siya sana ang pangunahing kontrabida sa Darna pero bigla raw nabago dahil nag-alburoto raw si Marian at humiling na ayaw niya kay Katrina who at that time ay pinag-uusapan dahil nga sa kontrobersiyang dulot ng video scandal nito with Hayden Kho. Na-insecure daw yata si Marian na baka ‘di na siya mapansin at sa halip ay si Katrina nga ang maging sentro ng mga publicity ng series niyang Darna.

Nang nagsimula na raw ang taping, nagprimadonna naman si Marian na kapag may ayaw siya sa mga minor cast, kinabukasan lang burado na sa mapa ng Darna. Kumbaga, kung sino ang ayaw niya, pinasisibak niya agad.

“Naku, ‘di lang daw nakapag-good morning ‘yung isang cast sa kanya, kinabukasan ‘di na pinasisipot sa taping,” kuwento pa ng isang kausap namin.

“Pag ‘di siya nagpreno sa power tripping niya, baka makarma siya’t langawin ang Darna. Siya rin, ‘di naman ganoon kataas ang rating ng huling serye niya, baka masundan siya ng pangalawang  flop. Sikat siya, pero kung ganyang hindi siya pumepreno sa masama niyang ugali, baka isang araw, magising siyang ‘di na siya mabigyan ng panibagong pagkakitaan sa GMA 7.”

Si Dingdong daw na dating mabait sa mga kasama, ngayon ay nahawa na rin sa pagpa-power tripping ng kanyang girlfriend.  Matuk ba namang ipatanggal si Mark Herras sa Darna dahil nga nagseselos daw siya.

“Sana naisip niyang mas sikat siya kasya kay Mark. Kumbaga, walang laban sa kanya ‘yung bata dahil siya na talaga ang winner. Kahit na nauna pa si Mark na naging kulakadingding ni Marian, still, siyang wagi talaga. Siyang ibinandera ni Marian kaya sana pinalusot na lang niya si Mark para naman kumita ito. Dahil sa walang basehan niyang selos, nagpower trip siya.

“Ang karma, baka ‘di niya alam kung paanong humagupit, parang typhoon signal number 4, walang ititira at ibabagsak ang lahat ng madaanan, siya rin…” malungkot na pagwawakas pa ng aming source.

cesar pambid/hataw

7 comments on “dingdong & marian : powertripping lovers?

  1. ay naku in defense of marian naman unang issue yung kay katrina halili. mismong si katrina halili na ang nagsabi walang ganoon nangyari.

    yung kay mark herras naman halatang di siya bagay sa role na partner ni darna masyado siyang mukhang totoy na parang kapatid lang ang dating.

    at yung huling teleserye niya ay kumita naman dahil ito ay lumalaban sa top 5. i-compare sa lobo ni angel locsin na hindi man lang lumampas ng no. 6 e minsan lagapak pa sa 10.

    o ayan wag ng siraan si marian. dahil halatang inggit at bitter lang ang mga maninira.

  2. naku karylle pwede ba tama na ang paninira mo kay marian. halata naman you’re still carrying a torch for dingdong naku wag ng gamitin ang press para ilabas ang bitterness mo.

  3. Naku talaga naman hindi bagay si Mark Herras na leading man ni Marian. Bahala sya kung ganyan ang attitude nya bilog ang bola baka mamaya hindi na sya sikat at balik na lang sya sa supporting at mother role. Hala

  4. Totoo kaya yun . . . napapansin ko lang pagmay bagong drama si Marian sunodsunod ang BI sa kanya at puro yung attitude problem nya pero pag wala naman who wala na yun mga bag publicity. Sino kaya ang nagbabayad para siraan ng husto si Marian?

Mag-iwan ng puna