kamera, na-‘coma’ nang mag swimsuit si eugene domingo


eugeneMARAMING ginawang first time si Eugene Domingo sa launching movie niyang Kimmy Dora.
Isa na roon ay ang buong ningning niyang pagsusuot ng bathing suit.
Natatawang kuwento sa amin ni Uge (palayaw ng komedyana), nu’ng una nilang kunan ang eksena niya sa swimming pool na naka-swimsuit siya ay biglang nasira ang kamera na ginagamit ni Direk Joyce Bernal.
“Totoo, hindi ako nagbibiro! Hindi kinaya ng kamera! So, nag-reshoot kami, mareh! Nasira siya, biglang nag-highspeed ‘yung kamera! Ha! Ha! Ha!”
In fairness ay may boobs na ipagmamalaki si Uge. Nagpalaki ba siya ng dibdib?
“Hindi, totoo ito since birth!” proud na sagot niya.
Anong breast size at bra cup niya?
“Kailangan tala­gang itanong ‘yon? 55” yata! Isang tanong pa tungkol dito, sasabog na ‘to!” hirit niya, sabay turo sa kanyang boobs.
Ani Uge, napagod siya sa Kimmy Dora dahil dual role ang ginagampanan niya. Sa isang buong araw ay parang dalawang pelikula raw ang ginagawa niya.
Dahil doon ay medyo pumayat siya, na okey lang dahil pagdating nu’ng eksena na kailangan na niyang mag-swimsuit ay umayus-ayos na raw nang konti ang hubog ng katawan niya.
“Hindi na siya mukhang bitswelas, medyo may konting korte na!”
Handa na ba siyang pagpantasyahan ng mga la­lake?
“Oo naman, lagi naman akong ready, eh! Kahit mga bakla, pagpapantasyahan ako! Ha! Ha! Ha!” dayalog niya.
Dual role siya sa movie, so doble rin ba ang talent fee?
“Hindi, tama lang. Honestly, hindi ako nag-iisip ng mga TF-TF, kasi ang saya-saya ko sa project na ‘to.
“All of us are excited, all of us are dreaming. Actually, tinutupad na namin, na magustuhan ng maraming tao.
“Kasi, ibang-iba ang istorya niya, hindi mo siya mapapanood sa TV. Sa dami ng TV shows na nakikita natin ngayon, ang gusto na­ting mapanood sa sine, eh ‘yung hindi natin nakikita sa TV. Ito ‘yon!” sey ni Uge.
Kambal ang role niya sa nasabing pelikula na ang isa sa mga producer ay si Piolo Pascual.
Ang mas matanda na si Kimmy Go Dong Hae ay masungit, laging galit at parang laging first day ng menstruation.
Naka-concentrate lang si Kimmy sa negosyo nila dahil mayaman na mayaman ang kanilang pamilya. Sobrang talino niya kaya hate na hate niya ang mga bobo. Fashionista si Kimmy at hindi nahuhuli sa moda.
Ang mas nakababatang si Dora ay pala­ging maganda ang tingin sa mundo na parang bulaklak. Masayahin siya, mahilig sa mga hayop at mala-Cyndi Lauper mag-outfit kaya fashion victim ang dating.
Parang kulang-kulang si Dora, pero sad­yang maganda lang ang tingin niya sa mundo.

allan diones/abante tonite

One comment on “kamera, na-‘coma’ nang mag swimsuit si eugene domingo

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s