MJ, namatay sa drug overdosed?! (Kalbo na rin ito at tabingi ang ilong)


ID_jackson_m_10.JPGINILABAS ng The Sun ang ginawang autopsy report ng ilang medico legal sa U.S at ilan sa nakuha nating impormasyon ay wala raw talagang lamang pagkain ang tiyan ni Michael Jackson nang namatay ito. Isang durog na pildoras (na maaring pain killer) ang naroroon.

Kalbo rin daw ito at ‘yung nakikitang buhok ay isang wig lang. Tumabingi na rin daw ang bridge ng pekeng ilong ni Michael.

Maraming sugat ng karayom na halos ay tumagos na sa kanyang puso. At nabalian din ito ng tadyang marahil dahil sa ginawang  pag-pump sa kanya.

Marami pang kahindik-hindik na findings ang nalathala sa naturang magazine. Hindi mo talaga aakalain na mangyayari ito sa isang itinuturing na pinakasikat na mang-aawit sa buong mundo.

Pero in fairness sa Amerika, kahit napaka-high profile ng taong nasawi ay inilalabas nila kaagad ang findings at hindi ito itinatago samantalang dito sa atin, may mga artistang pumanaw na hindi na nalaman ng publiko kung ano talaga ang sanhi ng kanilang pagkamatay gaya na lang ng isang guwapong-guwapong aktor na namatay noon sa isang probinsiya.

Wala itong sakit at talagang malakas na malakas pero agad na namatay, kaya marami ang nagtataka kung ano talaga ang ikinamatay nito. Pero hindi na nalaman kung ano talaga ang sanhi ng pagkamatay ng guwapong aktor.

Sa Amerika, walang kober-kober. Lalo na’t public figure ka at kontrobesiyal ang pagkamatay mo, ilalabas talaga nila ang autopsy report at kung mayroon mang dapat managot, ay siyang mananagot.

Teka, mabalik tayo sa yumaong guwapong aktor. Kung saka-sakali, sino naman kaya ang mga taong dapat managot sa kanyang pagkamatay? Ang alam ko, mga artista rin ang kasa-kasama niya noon ‘di ba? Imposible talagang wala silang alam sa naging sanhi sa pagkamatay ng guwapong aktor.

Ito dapat ang talakayin ng bagong programa ng Siete na Case Unclosed, ‘di ba Claudine B?

timmy basil/hataw

9 comments on “MJ, namatay sa drug overdosed?! (Kalbo na rin ito at tabingi ang ilong)

  1. talagang maglalabasan ang iba’t-ibang conflicting reports lalu na’t napaka-kontrobersyal na personalidad itong si jacko. tiyak marami pang kasunod yan — hatian ng ari-arian, paternity suits, etc…

  2. manood nalang kayo ng INSIDER, CNN, etc. exclusive lahat doon tungkol kay michael. unlike yung iba dito mag bigay lang ng comment hindi pa sya sigurado. nakakahiya pero true yun.

  3. At least kami may alam sa pinag-uusapan e ikaw puro kayabangan lang ang alam. May wider nga ang scope ang napupuntahan namin at alam na din namin yang CNN para bang sya lang ang may cable. tsk tsk tsk pathetic talaga ang taong mayabang na ito.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s