‘born to be wild’ ng 7, maraming gay audience!


doc ferds recio

doc ferds recio

NAKABIBILIB naman talaga ang galing sa marketing ng GMA Network. Alam n’yo bang ultimong ang late Saturday night show nilang Born To Be Wild ay loaded na rin ng commercials?

Environmental show ang Born To Be Wild na nasa second season na ngayon. Noong season 1 nito, parang kaunti lang ang commercial load. Karamihan sa commercials nito noon ay plugging ng shows ng network. Pero this season, marami nang paying commercials.

Noong season 1 pa lang, alam na naming maraming bading ang nanood nito dahil nagaguwapuhan sila sa host nitong beterinaryo na si Ferds Recio at amazed sila sa co-host nito na si Leo Oracion, ang kauna-unahang Filipino na nakatuntong sa tuktok ng Mt. Everest, ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.

Pero ngayong season 2 na ng Born To Be Wild, mas dumami pa ang mga bading na nanood nito dahil nga kay Kiko Ramirez na siya nang co-host ni Dok Ferds. Si Kiko ay ang long-haired hunk na dating contestant ng Survivor Philippines-Season 1 (at malapit ng magka-season 2). Hindi siya kasing guwapo ni Dok Ferds pero may appeal siyang animalistic na type ng maraming bading at mga babaeng nagpapanggap na mahinhin.

Magtuloy-tuloy sana ang respective TV career nina Dok Ferds at Kiko. Oo nga pala, as far as we know, isang trained chef si Kiko. And the last time we met him, aniya ay sa Blue Bacon & Green Eggs sa Cubao siya nagtatrabaho.

danny vibas/hataw

2 comments on “‘born to be wild’ ng 7, maraming gay audience!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s