maja salvador… ready to go daring


majasalvadorVery evident na raw yung pagiging mas daring si Maja Salvador sa mga roles that she takes now. Sa kanyang mga latest projects, Maja starts to show some skin at talagang mature na rin ang roles niya. “Palagay ko kasi, time na that I take these daring roles. Gusto ko kasing hindi lang ako pa-preppy, pa-sweet lang. Ayoko kasing mapako dun sa mga roles na lagging horror o kaya yung pa sweetie-sweetie. Actually, I am preparing to be a complete actress para naman pansinin nilang kaya ko rin namang gawin ang mga daring acts na hinihingi ng isang role,” paglalahad pa ni Maja.

At dahil nga medyo naka-iintriga ang mga roles ni Maja, hindi na siya makaiwas na matuksong si Carlo Aquino ang dahilan sa pagiging sexy sa ngayon. Sa true kasi, talaga namang super sexy and slim nga si Maja this kaya siya na mismo ang umaming isa nga si Carlo sa mga dahilan kung bakit nga sobra siyang nagpapaganda sa ngayon.

Siya na rin mismo ang nagsabing lagi naman talaga silang nagkikita ni Carlo. Kumbaga, kulang na lang, sabihin talaga ni Maja na silang dalawa na noon pa man. “Lagi naman talaga siya sa tabi ko, everytime I need him, andiyan siya to support me. Mabait naman siya kaya wala namang dahilan para pagbawalan ko siya.

“Yes, we are very close, matagal na kaming dalawa,”sabi pa ni Maja na parang naive na naive na walang iisiping malisya ang mga kausap niyang reporter.

Kumambyo pa si Maja na meron panahong nawala si Carlo. Mga isang taon din daw yun na ang intindi nga namin, yun yung panahong nag-cool off sila dahil sa maraming pressures. At talagang yung muli nilang pagkaksundo brought a new kind of high kay Maja Salvador. Kaya heto nga siya ngayon, nagpapa-sexy, para nga hindi na muling mawala sa kanya si Carlo Aquino?

Yun nga kaya?

cesar pambid/punto

2 comments on “maja salvador… ready to go daring

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s