Sarah Geronimo ‘di pa handa sa ‘joys and pains’ ng pag-ibig


sarah2MATAPOS libutin ni Sarah Geronimo ang iba’t ibang panig ng mundo noong nakaraang concert tour niya, ngayon ay dito na siya sa bansa magtu-tour para sa The Next One-Philippine Tour.

In fact, nasimulan na ito  ng Pop Princess sa Camarines Sur two weeks ago na pinamagatang Kaugmahan Festival, at talagang dinumog ito ng libu-libong Bikolnon fans ng  pop princess.

Sa presscon ng The Next One-Philippine Tour na ginanap sa 8 Spi-ces Thai Cuisine, binig-yang-linaw ni Sarah ang ilang issues na matagal nang gustong malaman ng fans at mga manonood.          Una, ang umano’y panliligaw sa kanya ni Mark Herras.

“ Ayy! Hindi po siya nanliligaw sa akin,” sabi agad ni Sarah.

So, hindi pa nakaka-first base si Mark, as in nanliligaw?

“Ano po bang first base… ‘yong first kiss?”     Nagkatawanan kami dahil sa inosenteng sagot ni Sarah. Hanggang nga-yon, aminado si Sarah, hindi pa siya handa sa joys and pains na idinudulot ng pag-ibig.

“Siguro  ‘pag alam ko na sa sarili ko na kaya ko na, na ready na ako sa pakikipagligawan. Na ready na akong maki-pag-boyfriend dahil do-on na mapupunta ‘yon. At kung may permission na ng parents ko.”

Aware din ang pop princess na nadadamay siya sa isyung hiwalayan nina John Lloyd Cruz at  girlfriend nitong si Liz Uy. Na isa raw siya sa itinuturong dahilan ng   nasa- bing hiwalayan isyu?         “Hindi naman po ka-si imposible na maintri-ga kami kasi nga mag-katrabaho kami. Pero wala po talaga.”

Unfair nga sa dalagang madawit sa isyung hiwalayang John Lloyd at Liz. In fairness kay Sarah, ni hindi nga siya nagpapaligaw tapos idada-wit pa siya sa ganitong love triangle.

Tinanong  din namin si Sarah kung  minsan ba ay nabanggit ni Lloydie sa kanya ang tungkol sa  sakit ng damdamin dahil sa paghihiwalay nila ni Liz. Aniya, wala naman daw nababanggit sa kanya ang aktor.

Pero, kinumpirma ng pop princess na nakitaan niya ng signs ng kalung-kutan ang aktor noong nagsu-shooting sila ng kanilang pinagtatamba-lang movie.

“Eh, napapansin ko na po na tahimik siya, parang nagseselos. Pero  naiisip ko siguro nai-internalize lang niya ang kanyang role,” say pa ni Sarah na tila clueless pa that time.

Anyway, ang mga su-sunod na pupuntahan ng The Next One-Philippine Tour  ay sa De La Salle Sentrum-Batangas sa June 12; San Fernando Pampanga at Dagupan City-June 26; Cagayan de Oro on July 3. Sa aking home town in Bacolod Ci-ty ay mapapanood din si Sarah on July 17,  July 31 sa Cebu City; July 31 sa Tagum City. Sa August 21 ay nasa Iloilo City ang pop princess; Aug. 28 ay sa Tacloban City; Sept. 11 sa Naga City, and Sept. 20 sa Davao City.

chanchan torres/journal online

One comment on “Sarah Geronimo ‘di pa handa sa ‘joys and pains’ ng pag-ibig

  1. gagah! kelan kapa titikim ng otin kung gurang kana? o baka naman kontento kana sa microphone? well, mahirap ngang maghanap ng pinoy na parang mikropono ang laki ang alaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s