Lorna, itinuturing na ‘ama’ ni Mark Anthony; Alma, hindi na mabibigyan ng baby ang mister


Sinigurado ni Mark Anthony Fernandez na hindi na magkakaka-baby pa ang kanyang nanay namarkf si Alma Moreno, kahit kasal na ito sa Mayor ng Marawi City.
Malabo na raw magbuntis pa ang kanyang nanay dahil sa mga caesarean operation na pinagdaanan nito noon.
Pero, hindi raw problema `yon sa mister ni Alma kung hindi na siya mabigyan ng anak ni Ness. Napag-usapan na raw kasi nila `yon bago pa man sila magpakasal.
Ibinalita rin ni Mark na sa Parañaque naninirahan ang kanyang nanay.

Lumuluwas daw ng Maynila ang mister nito para magkasama sila.
Hindi raw maiwan ng mommy niya ang trabaho bilang konsehal ng Parañaque. Katunayan, elected Secretary General daw ito ng Asosasyon ng mga Konsehal sa buong Pilipinas.
‘Pag nanalo raw ito bilang konsehal uli sa Parañaque next year, tatakbo naman ito para maging presidente ng asosasyon ng mga Konsehal sa buong Pilipinas.
Nagpaplano raw ang asawa ng mommy Ness niya na bumili ng bahay sa Parañaque para sa kanilang dalawa.

***

Happy si Mark Anthony para sa buhay ng kanyang nanay ngayon. Kitang-kita raw niya na masaya ito ngayon.
Happy rin si Mark para sa madrasta niyang si Lorna Tolentino, sa pagba­balik nito sa showbiz. Sabi nga ni Mark, mas mabu­ting bumalik na uli sa trabaho ang kanyang Tita Lorna para maaliw ito.
At dahil patay na nga ang tatay ni Mark na si Rudy Fernandez, si Lorna na raw ang tinuturing niyang ama.
“Lahat ng gagawin ko, lahat ng desisyon ko, ikinukunsulta ko sa kanya. Kapag bibili ako ng sasakyan, ikinukunsulta ko muna sa kanya kung dapat ba o hindi na bumili ako ng ganitong car.
“Nu’ng nabubuhay pa ang Papa (Rudy) ko, silang dalawa ni Tita Lorna ang kinukunsulta ko. Ngayong wala na si Papa, si Tita Lorna na ang itinuturing kong pangalawang ama,” sabi pa ni Mark.
Sabi pa ni Mark, kung noon daw ay naguguluhan siya kung sino ang pamil­ya niya, ngayon daw alam na niyang ang half-brother niyang si Vandolph ang kanyang pamilya.
“Ten years ago at kahit kahapon lang ganun pa rin siya, ganun pa rin kaming dalawa. Kilala niya ako from head to foot. Siya rin kilala ko rin from head to foot. ‘Pag may naiisip ako, bigla siyang magsasalita at ‘yun din ang iniisip niya. Pareho kami ng thinking, wavelength ng pagi-isip.

Nagkakasundo kami sa lahat ng bagay, vibes kami, nagkakaintindihan kaming dalawa. Pag may problema nagsasabihan kami. Kapag kailangan namin ang isa’t-isa, nandiyan kami para magdamayan,” sabi pa ni Mark.
“Pero, sina Renz at Ralph, vibes ko rin. Malapit din sa akin ang dalawang ‘yon. Iba lang ‘yung pinagsamahan namin ni Vandolph,” dugtong pa ni Mark.
Anyway, excited na si Mark Anthony sa pro­ject na Darna nila ni Marian Rivera, kaya panay raw ang pagi-gym niya.

rey pumaloy/abante online

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s